Dahil kay Krissa Mae Arrieta: JayR, gumawa ng eksena sa GMA Artist Center! – Archie de Calma

ADVERTISING

Dahil kay Krissa Mae Arrieta: JayR, gumawa ng eksena sa GMA Artist Center! - Archie de Calma

Dahil kay Krissa Mae Arrieta: JayR, gumawa ng eksena sa GMA Artist Center! - Archie de CalmaMASYADO raw nagiging emosyonal si JayR kapag ang girlfriend na si Krissa Mae Arietta ang nalalagay sa alanganing situwasyon. May nakarating na balita sa aming gumawa raw ng eksena itong si JayR sa opisina ng GMA Artist Center kamakailan dahil reprimanded diumano ng bosses doon si Krissa Mae.

ADVERTISING

Ang isyu ay may kinalaman diumano sa pagtanggap ni Krissa ng raket sa Guam na hindi ipinapaalam sa GMA Artist Center samantalang under exclusive contract siya rito.

Sa pagkakaalam ng GMA Artist Center, nagtungo lang si Krissa sa Guam for a vacation at wala namang work involved. Kaso, nabuking ng GMA Artist Center na rumaket daw ang dalaga roon, katunayan ay may nakuha silang kopya ng lumaganap na posters at tickets sa nabanggit na event na naroroon ang pangalan ni Krissa Mae.

Idine-deny ni Krpssa na may kinalaman siya sa raket na ‘yun. Ayon sa bersyon niya, um-attend lang siya sa event as a spectator, bigla na lang lumabas na umapir siya roon. In fact, nagulat na lang siya nang abutan siya ng talent fee.

ADVERTISING

Ayon sa isang GMA Artist person na nakausap namin, ang legal na proseso para sa isang deal abroad ay kailangang binding with contract bago aprubahan. Iniaabot daw ni Krissa ang bale iniawas na komisyon kay Yda Ramos, head ng GMA Artist Center, pero hindi nga nila matanggap ‘yun sa dahilang walang legal na proseso ang pag-apir ni Krissa sa event na ‘yun abroad na hindi naman talaga dumaan sa kanila.

Dahil sa pangyayari, napansin ni Krissa na naging hostile ang ilang GMA Artist Center people sa kanya. Napansin daw ito ni JayR na sinamahan ang girlfriend doon. Hindi raw nakapagpigil si JayR at ang sabi, “Oh, how nice the people naman here!” Sarcastic ang tono ni JayR at maangas daw ang dating.

Marami ang nakapansin nito. Wala raw pakialam ang GMA Artist Center kay JayR dahil ito ay mina-manage ni Arnold Vegafria. Kung GF nito si Krissa, ano raw ang karapatan nito para umasal nang ganoon? Ang feeling daw ng ibang mga taga-Artist Center ay nabastos sila, samantalang ang concern lamang nila ay ‘yung Krissa Mae na nakakontrata sa kanila at nagkaproblema nga dahil sa diumano’y pagtanggap nito ng karaketang hindi dumaan sa Artist Center.

Ano kaya ang masasabi ni JayR dito? Samantalang para itong maamong tupa nang makausap namin sa promo tour ng kanyang “Holiday of Love” Christmas album sa Eastwood. Kailan lang namin nalaman ang isyung ito kaya gusto naming ipalinaw kay JayR ang isyung ito kapag nagkaroon kami ng pagkakataon.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING