DAHIL KAY JM DE GUZMAN: Rhian Ramos, kinukuyog ng fans ni Barbie Imperial

ADVERTISING
DAHIL KAY JM DE GUZMAN: Rhian Ramos, kinukuyog ng fans ni Barbie Imperial
JM de Guzman and Rhian Ramos

NAKAKALOKA naman talaga ang ganap sa mundo ng fans ng JuanBie tandem o nina JM de Guzman at Barbie Imperial na nabuo dahil sa now-defunct TV show na Precious Hearts Romances presents Araw Gabi.

Dahil na rin siguro sa pinasakay sila ng tambalan noong umeere pa ang kanilang programa, super affected ang mga nakakasakal na fans ng JuanBie dahil lang sa pagsasama nina JM at Rhian Ramos sa pelikulang ‘Kung Paano Siya Nawala‘ na producers din sila.

Nakakaloka lang dahil nawala na nga sa sinehan ang pelikula (marami ang hindi aware na may movie pala ang dalawa!), ang mga pambabash kay Rhian ay hindi pa rin nagdidisappear. All of a sudden, marami na ang bintang kay Rhian na kesyo inaahas at inaagaw daw niya si JM kay Barbie.

Unang-una sa lahat, wala naman confirmation mula kina JM at Barbie na sila nga. Kung naging sila man, hindi ba’t free na sila to mingle or make friends with other people? Bakit possessive much kayo?!

At dahil sa pagiging matatag ni Rhian from the bashings she’s been getting, hindi na napigilan magpost ni JM ng appreciation post para sa kanyang ‘Tol’:

ADVERTISING
DAHIL KAY JM DE GUZMAN: Rhian Ramos, kinukuyog ng fans ni Barbie Imperial
Rhian Ramos and JM de Guzman

“tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami..All i have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.. Salamat sa tulong.
Stay strong, alam ko medyo masakit na. im Sorry. ingat lagi kaibigan. apir”

Sumagot naman si Rhian sa comments section nito:

“M, i always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better. Don’t ever lose that about you. But if you
ever need an extra push, you know i’ll be there for you. It ain’t easy, but thank you for the friendship and thank you for this! Flex em”.

Nakakakilig ang palitan nila ng appreciation bilang magkaibigan, noh? Sige kayo, baka lalong madevelop ang dalawa dahil sa kanegahan niyo, huh! Well, we won’t be complaining. Mas malapit naman ang edad nila compared sa dating leading lady ng aktor.

ADVERTISING