Dahil kay Coco Martin: Direk Toto Natividad, aktibo muli sa pagdidirek

ADVERTISING

Dahil kay Coco Martin: Direk Toto Natividad, aktibo muli sa pagdidirek

Dahil kay Coco Martin: Direk Toto Natividad, aktibo muli sa pagdidirek
Toto Natividad

MALAKI ANG PASASALAMAT ng mga nag-retire na mga showbiz personalities natin sa askyon-serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nagkaroon muli sila ng pagkakaton na maka-arte at magkaroon ng hanapbuhay sa showbiz.

 
Sa panahon ng mga millennials, malamang sa hindi ay wala silang ideya sa mga tipo nina Rez Cortez, Dindo Arroyo, King Gutierrez at marami pang iba.
 
Not even the name Direk Toro Natividad doesn’t even ring a bell na kami man personally ay saludo sa bonggaang mga paandar ng mga action movies ni direk noon.
Kumbaga, pang-Hiollywood ang style of direction niya reason why it’s easy for him to make a comeback sa pelikula as action movie director ngayon na muling nabubuhay ang interest ng publliko sa ganitong mga genre.
 
Maging si Direk Toto Natividad na mas kilala sa mga Hollywood-ish action films niya ay naging aktibo muli ang career dahil sa aksyon serye as one of the action consult-director ng Ang Probinsyano reason kung bakit nagkainterest si Vic del Rosario  of Viva Films na bumalik siya sa paggawa ng action movies.
 
Kaya nga after i-offer kay Direk Toto ang launching movie na “Double Barrel” sa bagong  ginu-groom na action star na si AJ Muhlach (who is being managed by Viva Artists Agency); after mai-submit ni Direk Toto ang budget proposal, after a week ay nag-shoot na sila.
Dahil kay Coco Martin: Direk Toto Natividad, aktibo muli sa pagdidirek
Double Barrel cast members Jeric Raval, Phoebe Walker, AJ Muhlach, Ali Khatibi and Direk Toto Natividad
 
Hindi naman daw nawala sa eksena si Direk. Sa pagkakahimbing sa pagkakatulog ng mga action movies, may international films naman daw siya na pinagkakaabalahan sabi ni Direk.
 
“Naghihintay lang ang action movies market. Sa ngayon, ang show ni Coco ang bumuhay sa interest ng tao sa action movies,” kuwento ng batikang direktor.
 
Puring-puri ni Direk Toto ang mga artista niya sa “Double Barrel” na showing na sa August 2 nationwide, lalo na si AJ at ang gumaganap na asawa nito na si Phoebe Walker na hindi pumayag na gumamit ng double sa mga eksena nila.
 
 “We offered Phoebe na magpa-double dahil delikado yong gagawin niya pero ayaw niya. Yong takbuhan athabulan sa motorbike, siya mismo ang gumawa,” pagmamalaki pa ni Direk Toto sa kanyang mga artista.
 
Isa sa mga sikat na action star in the 90’s na si Jeric Raval ay kasama din sa pelikula. “Ganun pa rin siya, walang nagbago ang liksi at bilis.” kuwento pa ng direktor.
 
First movie naman ng mixed martial arts expert na si Ali Khatibi (husband of Cristine Reyes) na ayon kay Direk Toto ay nakatulong ng malaki ang pagiging magaling ni Ali sa kanyang expertise ang mga action scenes niya.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING