Kylie Padilla babasagin na ang katahimikan sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’; magsasalita na tungkol sa isyu kay Aljur Abrenica

PAGKATAPOS ng ilang buwang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica ay nagpaunlak na ng panayam ang Kapuso actress na si Kylie Padilla kay Jessica Soho via her Sunday show ‘Kapuso Mo, Jessica Soho‘.

“KYLIE PADILLA, MAGSASALITA NA SA MGA PARATANG NA PINUPUKOL SA KANYA! Ang eksklusibong panayam sa kanya ni Ms. Jessica Soho, ‘wag palalampasin, ngayong Linggo sa #KMJS!” post ng official Facebook page ng KMJS.

Kylie Padilla babasagin na ang katahimikan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'; magsasalita na tungkol sa isyu kay Aljur Abrenica
Jessica Soho and Kylie Padilla

Sa mga hindi updated, tahimik na naghiwalay sina Aljur at Kylie early this year. Nagkaroon ng kasunduan ang dalawa na hindi nila ibubunyag sa publiko ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Ngunit dahil sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Robin Padilla (ama ni Kylie), nabunyag tuloy sa publiko ang kanilang hiwalayan. Naging tikom pa rin ang bibig ng dalawa.

Hanggang sa nag-trending ang pag-amin ng batang sexy star na si AJ Raval na nasa ‘getting to know each other’ stage na sila ni Aljur, and days after ay naispatan silang magka-holding hands sa isang mall.

Kahit na may pino-promote na proyekto si Kylie Padilla na ‘BetCin’ ay inabswelto nito ang bagong dini-date ng kanyang ex-husband at sinabi pa na ang happiness nito ang mas importante para sa kanya.

Kylie Padilla babasagin na ang katahimikan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'; magsasalita na tungkol sa isyu kay Aljur Abrenica
Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Kaso, bigla na lang nagpost ng napakahabang statement si Aljur sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page (now deleted) na pinapalabas na si Kylie Padilla ang unang nagloko sa kanilang pagsasama.

Lalo pa itong lumala nang i-share mismo ni AJ Raval sa kanyang official Facebook page ang statement ng nobyo.

Kylie Padilla babasagin na ang katahimikan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'; magsasalita na tungkol sa isyu kay Aljur Abrenica
AJ Raval and Aljur Abrenica

Imbes na makatulong para sana’y linisin ang kanilang pangalan ay lalo pang nagalit ang publiko sa new lovebirds.

For the first time ay mismong si Kylie Padilla na ang magsasalita sa pamamagitan ng KMJS. Ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni Aljur? Third party nga ba si AJ Raval, o may iba pa bang babae? In a relationship na ba ngayon si Kylie?

‘Yan, at marami pang ibang katanungan na sana’y mahanapan na ng sagot ngayong gabi!