Dahil daw sa bagong manliligaw ng dalaga
Sarah Geronimo at Mommy Divine, may tampuhan na naman?!

ADVERTISING

<i>Dahil daw sa bagong manliligaw ng dalaga</i><br> Sarah Geronimo at Mommy Divine, may tampuhan na naman?!

<i>Dahil daw sa bagong manliligaw ng dalaga</i><br> Sarah Geronimo at Mommy Divine, may tampuhan na naman?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Teka mukhang nawawala sa circulation ko ang madalas kong isulat na laging trending sa mga comment ang fans niya, na aywan ko kung bakit nanggagalaiti sa galit. Eh, kung susumahin, tama naman ang opinion ko rito sa magaling na singer-actress na si Sarah Geronimo.

Kumpara mo naman kay Charice at iba pa, ‘di hamak na isa si Sarah sa talagang magaling at gifted ang kanyang boses. Kaya dapat alagaan niya nang mabuti ‘yan. ‘Wag niyang pamarisan ang iba riyan na sinayang lang ang napakaraming pagkakataon, dahil sa ngayon ay inalisan na ng kapalaran sa pag-awit. Wala na ngang lumalabas na boses dahil pinabayaan na at nalulong sa bisyo.

Anyway, may bagong manliligaw raw ngayon si Sarah, isang mayamang negosyanteng Hapon, at takot na takot na naman daw ito kay Mommy Divine. Nagtataka lang ako. Bakit ba nila kinatatakutan ito? Na kung iibig si Sarah, hindi naman si Divine ang makikisama sa kanya.

Isa pa, nasa tamang edad na si Sarah para ligawan, at I’m sure magugustuhan na ito ni Divine, dahil ‘di ba sabi raw niya, ayaw niya sa mga artisang manliligaw kay Sarah, kasi wala namang pera? At dati, ang gusto ni Divine na lumigaw kay Sarah, isang gobernador na mayaman, dahil hindi na raw maghihirap si Sarah at ang magiging anak nito.

ADVERTISING

Hindi alam ng divine na ang sinasabi niyang pulitiko ay pamilyado na rin. Dapat suriin niya itong mayamang Hapon, baka mamaya may sabit. Kasi ‘pag nalaman ito ni Divine, baka hindi na niya pakawalan ito.

Kaya lang lately, napag-alaman ko na may tampuhan na naman ang mag-ina dahil nu’ng isang linggo, marami ang nakakita na namumugto raw ang mga mata ni Sarah, at alam na raw ito ng malalapit sa dalaga kung ano na naman ang nangyari. Pero hindi nagpahalata si Sarah, ang sabi napuwing lang daw siya. Gano’n?

Nagtataka lang talaga ako kung bakit sobra ang takot ni Sarah sa kanyang ina kaysa sa kanyang ama, na kahit daw ang ama ay hindi humahawak ng pera kaya nakakagawa ng milagro. Tulad daw nang nagpapagawa ng apartment nina Sarah, ibinebenta raw ng tatay niya ang ibang mga gamit sa paggawa para magkapera.

Isa pang bago kay Sarah, baka hindi na raw ituloy ang mga show niya sa ABS-CBN. Kasi hindi naman talaga siya kontratado sa Channel 2, talent po siya ng Viva, na ang nakarating sa aking chikka, baka raw ‘pag natuloy ang panibagong kontrata ng Wil Time Bigtime ni Willie Revillame, isama na si Sarah na maging regular co-host kasama sina Mariel Rodriguez at Camille Villar. Kaya may matatanggal sa kanila, itong trying hard na Lovely ba ang name na da-ting isang dancer.

Posible, kasi nga si Willie ay isa ring Viva talent at matagal na talaga itong pinaplano. Kaya siguro, wait and see na lang tayo sa susunod na taon.

Sa palagay n’yo magiging maganda kaya ang kahihinatnan ni Sarah sa TV5 kung sakali? Kasi halos lahat ng mga talent na malalaki galing sa Dos, wala, nganga lahat, like Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Maricel Soriano, Derek Ramsay, maging si Nora Aunor. Hindi nila mapaangat at hindi talaga pumapalo sa rating ang mga show sa TV5, lalo na ang kanilang showbiz talk show. Mga game show lang ang nagre-rate nang konti like Wil Time Bigtime at Talentadong Pinoy, no more no less. Say n’yo! Kaloka!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong malditang aktress na sobra na ang kasupladahan?

Wala sa mukha niya ang maldita at supladita look, kasi maamo as in ‘pag nagsalita, hindi makabasag-pinggan.

‘Eto ang siste. ‘Pag ayaw niya sa damit na isinusuot na galing sa stylist, ginugunting at kung minsan naman, tatanggalin ang mga burloloy o design, at siya ang gagawa ng gusto niyang isuot. Wala siyang pakialam, palibahasa rich nga siya pero galing naman siya sa bundok.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING