Dahil daw kay Sexbomb Sunshine John Prats at Bianca Manalo, laging nag-aaway?!

Dahil daw kay Sexbomb Sunshine John  Prats at Bianca Manalo, laging nag-aaway?!

Dahil daw kay Sexbomb Sunshine John  Prats at Bianca Manalo, laging nag-aaway?!  HOW TRUE kaya ang nasungkit naming balitang ang Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia ang sinasabing third party sa on the rocks na relationship nina Bianca Manalo at John Prats.

Balita kasing simula nang magkasama sa show sina John at Sunshine ay naging close na ang mga ito to the extent na lumalabas-labas na kasama ang iba pa nilang kaibigan. Sa set nga raw ng kanilang show ay may mga sandaling nahuhuling sweet na nag-uusap ang dalawa .

Kaya naman daw ang ending ay malapit-lapit nang maghiwalay ng landas sina Bianca at John, na palaging napagkikitang nagtatalo. Hindi na nga raw masyadong nakikitang magkasama ang dalawa at mas marami pa nga raw ang pagkakataong namamataang magkasama sina John at Sunshine. ‘Yun na!

 

HANGGANG NGAYON, palaisipan sa marami ang naging desisyon ni Arnell Ignacio sa pagtanggap niya bilang co-host ng game show ng TV5 na Game ‘N Go.

Dati-rati raw kasi, laging main host ng kanyang game show si Arnell like Go Bingo na mataas ang ratings at tumagal ng ilang taon sa ere bago nag-ober da bakod si Arnell sa ABS-CBN at doon naman ay nag-host ng afternoon musical variety show.

Pero ayon naman kay Arnell, hindi raw big deal kung sakaling tinanggap niya ang pagiging co-host ng Game ‘N Go. Sa ngayon daw kasi, hindi na iniisip ni Arnell ang ganu’ng bagay. Ang mahalaga raw sa kanya ay may trabaho siya at nagagawa niya muli ang kanyang gustong gawin, ang pagho-host.

Kaya naman daw very thankful siya sa Kapatid Network sa pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya para mapasama sa nasabing game show at thankful din siya kay Willie Revillame sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong humalili rito sa Wil Time Bigtime kapag wala siya. Wish nga raw nito na sana raw ay magtuluy-tuloy na muli ang pagho-host niya sa TV dahil ito raw talaga ang nami-miss niyang gawin.

 

NAGSELEBRA NG kanyang kaarawan ang isa sa prime artist ng TV5 na si Eula Caballero na ginanap sa Cravings. Isa nga raw sa wish ng magandang young star ay ang makatrabaho si John Lloyd Cruz na ayon dito ay napakagaling na actor.

Isa pa sa mga kabataang lalaki na gustung-gusto nitong makapareha sa isang show ay ang award-winning actor at kapwa nito Kapatid star na si Edgar Allan Guzman, na kahit dalawang beses na niyang nakatrabaho bilang ka-patid ay mas gusto naman nitong makapareha at maka-loveteam, dahil isa rin daw ito sa mga batang actor na magaling umarte.

Happy raw si Eula sa pangangalaga ng TV5, dahil ‘di siya pinababayaan at magaganda ang mga proyektong ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio. Kaya naman daw lubos-lubos ang pasasalamat nito sa mga ehekutibo ng Singko.

 

BONGGA ANG bagong indie film na idinirek ng aming kaibigang si G. A. Villafuerte na Ang Lihim Ng Mga Nympha. Dalawang beses na sumungaw ang jumbo hotdog ng baguhang si Bench de la Torre sa nasabing pelikula, kung saan may frontal ito na naliligo sa ilog at pangalawa ay nang maki¬pag-sex kay Honey Lopez sa kama.

Dahil daw kay Sexbomb Sunshine John  Prats at Bianca Manalo, laging nag-aaway?!

Medyo tumelag ang ari ni Bench sa kama dahil sa alindog ni Honey na kitang-kita sa pelikula na makapagpapainit ng mga manonood nito.

Kasama rin sa movie sina Alvin Duckert, Walter Arenio, TJ Morello, Adriana Gomez at Tanya Morales. Palabas na ito sa Remar (Cubao), Isetann Recto, Starmall Alabang, Roben at Eden (Cebu).

 

John’s Point
by John Fontanilla