Dahil daw kay Sam Milby Toni Gonzaga, nanlalamig na kay Direk Paul Soriano?!

ADVERTISING

Dahil daw kay Sam Milby Toni Gonzaga, nanlalamig na kay Direk Paul Soriano?!

Dahil daw kay Sam Milby Toni Gonzaga, nanlalamig na kay Direk Paul Soriano?!

NAKASAMA NAMIN SI Nora Aunor sa isang fast food sa Kalayaan pagkatapos bigyan siya ng Lifetime Achievement Award ng PMPC kasama si Laguna Governor ER Ejercito.
At habang kami ay kumakain, ipinapanood sa amin ang trailler ng pelikulang El Presidente. “Nirecord ‘yan before may operation. Wala pa akong problema nu’n sa boses,” pahayag ni Mama Guy na ang tinutukoy ay ang theme song ang nasabing pelikula nila ni Gob. ER.

“Actually, nang marinig ko ‘yan, Morly, nagandahan talaga ako. Sabi ko parang akma sa movie namin. Parang ini-record niya for El Presidente.” Sabi naman ni Gob. ER, na nagsabing masaya siya dahil bukod sa El Presidente ay nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang movie naman nila nina Carla Abellena at Baron Geisler.

Pinakinggan namin ang theme song at tiyak na pagdududahan ng marami na drama lang ni Mama Guy ang pagkawala ng kanyang boses. “Sana nga drama na lang. Sana nga hindi na lang totoo itong nangyari sa akin dahil miss na miss ko nang kumanta. At alam naman nating lahat na bago ako nakilala sa pag-arte ay ang boses ko ang naging puhunan ko sa showbiz, ‘di ba? Malungkot ako dahil nagkaroon ng ganitong problema at sana maibalik ang nawala kong boses,” sabi pa ni Mama Guy.

ADVERTISING

Ayon kay Mama Guy, maligaya siya dahil ipinakikita at ipinadadama ng kanyang mga fans ang labis na pagmamahal sa kanila at ang isa na nga rito ay ang plano ng Noranians na mag-donate para sa  operasyon ng aktres. “Sobrang saya ko, kasi kahit ano pa ang nangyari, nariyan sila sa tabi ko,” sundot pa ng nag-iisang Superstar.

 

MARIING ITINANGGI NI Toni Gonzaga ang balitang tuwang-tuwa at nagbunyi siya nang tuluyan nang magpapaalam si Mariel Rodriguez sa Channel 2. Ang usap-usapan kasi, labis daw ang galak na naramdaman ni Toni nang lumipat na si Mariel sa programang Wil Time Bigtime.

“No, siyempre malungkot kami dahil matagal din kaming magkasama sa iisang istasyon. Wala namang ganu’ng eksena. Bakit naman ako magdidiwang? I mean, huwag na. Tama na. Huwag na kaming gawan pa ng intriga dahil unfair naman ‘yun sa amin,” sunud-sunod na sabi iyon ni Toni nang kausapin namin ito sa backstage ng PMPC Awards for Music kamakailan.

Ayon kay Toni, ngayong magbubukas ang PBB, na-miss nila si Mariel. “Umpisa pa lang ng PBB, kasama na namin siya ni Bianca sa show na iyon. Nakaka-miss talaga, pero siyempre ganu’n talaga ang buhay, alam mo naman ang sitwasyon natin dito sa showbiz, walang permanenteng show, ‘di ba? Kaya kung magtrabaho, work ka lang nang work.”

Sa kabilang banda, pinagtawanan at pinanlakihan lang ng mata ni Toni ang isyung hiwalay na sila ni Direk Paul Soriano. “Noong una, ang sabi nila si Zanjoe (Marudo) ang dahilan ng hiwalayan, tapos ngayon si Sam (Milby) naman. Ano ba talaga ang totoo? Hahaha! No, wala. Walang hiwalayan. Kami pa rin ni Direk Paul at walang dahilan para kami maghiwalay. Smooth at maayos pa rin ang aming relasyon.”

Usap-usapan kasi na si Sam ang tunay na dahilan kung bakit nanlamig si Toni kay Direk Paul, dahil tatlong buwan na silang may lihim na relasyon ni Sam. “Kung anu-ano na lang ang mga naglalabasang balita na walang katotohanan kaya kami ni Direk Paul deadma na lang. Hindi na lang namin pinapansin ang mga ganyang balita kasi wala naman talagang katotohanan,” pagwawakas ni Toni sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING