Cristy Fermin, parang napakalinis!

ADVERTISING

Cristy Fermin, parang napakalinis!OLA CHIKKA! NOW na! Talagang now na… thanks God it’s Friday, dahil ngayon natin pasasabugin ang mga nakawiwindang na chikka at walang kinatatakutan… simulan na natin, hahaha!

Ano ba naman itong si Mystica na nagsasabing faith healer raw siya. Ano ‘yun?! Bagay ba? Eh, ‘Day, dapat kung faith healer ka na, ang una mo sanang ginamot eh, ang dyowa mo, ‘di ba? Para makasigurado ka talaga.

ADVERTISING

Naku naman kasi, magpapansin ka lang, sa ganu’ng eksena pa… ayan, huh!

O, ‘ETO NAMAN… dumako tayo kay Cristy Fermin at DJ Mo Twister na talaga namang kung sinu-sino ang mga napapansin.

Sobra na nga ngayon ang awayan nina DJ Mo at Ogie Diaz, dahil nakakaloka na at sobra na. Pati itong si Cristy Fermin, nakikisawsaw na, samantalang dati ay anak-anakan din niya itong si Ogie Diaz. Ganyan ba talaga, porke’t money talks?!

ADVERTISING

At ang naaalala ko dati, ‘di ba ang tunay na magkaaway ay sina Cristy at DJ Mo? ‘Di ba, sobra-sobra pa ang alitan n’yang dalawang ‘yan? Naaalala ko pa nga na ang tawag ni DJ Mo kay Cristy ay ‘Cristy Lucifer-min’ at ‘Shrek’. At tawag naman ni Cristy kay Mo ay isang ‘frog’’. Tapos nga-yon, akala mo kung sino silang mag-BFF, at kung sinu-sino ang iniintriga nila. Sa halip na ipagtanggol niya ang anak-anakan niyang si Ogie, ginatu-ngan pa niya ang pagka-talakera ni Mo. O, kundi man kayang kampihan ni Cristy si Ogie o ipagtanggol, sana man lang namagitan na lang siya… naging neutral na lang sana itong si Cristy.

At akala mo naman, may karapatan si Cristy na makisali sa away ng may away… kaloka! Lalo na pagda-ting sa Twitter… hahaha! E, hindi nga siya marunong gumamit ng Twitter, ‘noh! P’wede ba?! Hmmp!

At tsaka ‘eto pa… anong sinasabi ni Cristy sa twin sister kong si Aiko Melendez, na parang na kay Aiko ang problema kung bakit hindi ito tumatagal sa mga nakakarelasyon, na sa dinami-dami ng nakarelasyon ni Aiko, walang nagtatagal, at kung sinu-sino ang ama ng mga anak ni Aiko.

Kung makapagsalita ka naman, Cristy… parang hindi iba-iba ang tatay ng mga anak mo, ‘noh! Nakakaloka! E, ‘di ba, may anak pa siyang special child! Kaloka!

Speaking of special child, pati nga ang anak ni Kris Aquino, grabe kung tirahin mo, eh, tingnan mo na lang ‘yang anak mo…

Kaya ang masasabi ko lang dito, grabe na kayo at grabe ka na… iba na lang ang pagtuunan n’yo ng pansin.

Ganyan talaga siguro, ‘pag pera-pera na ang laban. Magkano rin kaya ang ibinayad sa kanya nina Hayden Kho at Vicki Belo para sa Paparazzi? Haha! E, mukha namang ang tunay na magdyowa talaga ay sina DJ Mo at Hayden Kho… hahahaha! Nakakaloka!

KAYA NAMAN PARA sa mas maraming chikka, makinig na lang kayo sa programa ko, kasama ang aking anak na si Lady Camille, Lunes hanggang Biyernes 11:30 – 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494khz. At tuwing Linggo sa programa ko sa DZRH 2:30-3:30 PM.

Cristy Fermin, parang napakalinis!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING