Cristy Fermin, itinangging tatanggalin na siya sa showbiz-oriented show!

ADVERTISING

 Cristy Fermin, itinangging tatanggalin na siya sa showbiz-oriented show!

 Cristy Fermin, itinangging tatanggalin na siya sa showbiz-oriented show! BLIND ITEM: Bago pala pumalaot sa showbiz ang seksing komedyanang ito ay miyembro siya ng isang banda. But prior to her career as a soloist, tinedyer pa lang umano siya nang ikalakal niya ang kanyang murang katawan.

But when she reached 19 ay huminto na raw siya sa ganoong trabaho. Sa halip ay siya na raw ang nagre-recruit ng mga kabataang babae na ipinadadala niya sa isang mayamang bansa sa Asya.

Aktibo pa rin ang sexy comedienne. Meron siyang regular program sa TV with a two-word title.

KUNG HINDI kami nagkakamali, pang-apat na ang pagpapalit ng time slot ng Paparazzi simula bukas.

ADVERTISING

Since it began airing on TV5, napapanood ito tuwing Linggo. Tila sinadyang hindi nito tinapatan ang direktang magkabanggang The Buzz at Showbiz Central. Months later, nag-iba na naman ito ng oras, still on a Sunday.

This year, lumipat sa araw ng Sabado ang Paparazzi, pero nakatapat naman nito ang Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga, kung saan nilulusob nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ang iba’t ibang barangay sa Metro Manila at sa ilang probinsiya.

Beginning tomorrow, bago makapananghali na matututukan ang programa na ayon sa main host nitong si Cristy Fermin ay isang balanse’t tamang hakbang lang ng TV5 in recognition of the unbeatable comic tandem of Jose and Wally.

But this is just the tip of the iceberg. Ang nine-tenth kasi sa pagbabagong ito ay pagpapasinungaling sa kumakalat na balitang titigbakin na si Cristy sa programa. Through text, inalam namin mula mismo kay Cristy kung meron itong katotohanan.

A forwarded message sent to her by TV5’s BUH (Business Unit Head) reads: “Magandang gabi po, ‘Nay. Pasensiya na po sa abala sa ganitong dis-oras ng gabi. Gusto lang pong ipasabi ni Sir Perci (Intalan, isa sa mga may katungkulan sa TV5) na baka may masagap po kayong ‘di magandang balita sa ABS(-CBN) na diumano ay tatanggalin po kayo sa Paparazzi dahil may ganoon daw pong balitang nakarating kay President RCE (Atty. Ray C. Espinosa). ‘Nay, hindi po totoo ‘yon. ‘Di po kayo tatanggalin. Wala pong pagbabago kahit sa Juicy o Paparazzi. Sabi po ni Sir Perci, maniwala lang daw po kayo ‘pag siya ang nagsabi sa inyo. Salamat po.”

Mismong si Cristy rin ang nagkumpirma na walang malalagas sa Paparazzi. At kung may madaragdag man, she welcomes the addition of Mariel Rodriguez bilang isang mahusay na kabatuhan during repartees. Of course, Mariel was The Buzz-trained, malaking bentahe nga naman sa Paparazzi ang hosting background nito.

Pero magtampo na si Cristy sa amin, but her nice words for Mariel cannot be said of her fellow hosts.

 

MAGKAIBIGANG NANUNUMBAT sa isa’t isa, ito ang paksa ng episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Dahil Tinabla Ng Kaibigang Malikot Ang Kamay, Mananaksak Na Ng Matalas Na Samurai!

Himutok ni Arlene, ano raw ba ang ipinagkakalat ni Maricel na ninakaw niya, ang kaldero nitong punumpuno ng uling? Kaya nu’ng nanghalibas daw ng samurai si Maricel, kalderong pinag-aawayan ang ibinato ni Arlene sa kaibigan. Buwelta naman ni Maricel, wala raw utang na loob si Arlene na binibigyan daw nito ng pagkain para sa pamilya.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING