Cristine Reyes, walang k magpaubaya sa pagpapa-sexy

ADVERTISING

Cristine Reyes, walang k magpaubaya sa pagpapa-sexy

Cristine-ReyesIBIBIGAY NA raw ni Cristine Reyes ang pagpapaseksi kina Ellen Adarna at Lovi Poe dahil ayaw at tila sawa na raw siya sa pagpapaseksi sa movie. Magmula raw nang pasukin niya ang showbiz, puro seksi role na lang daw ang ginagawa niya, kaya ipauubaya na raw niya ang mga seksi role kina Ellen at Lovi.

Pero ‘di naman natuwa ang mga moviegoer sa naging desisyon ni Cristine na suko na siya sa pagpapaseksi samantalang wala naman daw nagagandahan sa kanya. Isa pa, wala naman daw siyang karapatan magbigay ng ganoong pahayag dahil kahit minsan ay hindi naman ito binansagang Pantasya ng Bayan.

Ang mga sexy actress na puwede lang daw magpahayag ng ganoon ay sina Gretchen Barretto at Anne Curtis na talagang pinantasya ng mga kalalakihan nang magpaseksi sa pelikula.

Si Cristine ay napipilitan na lang panoorin ang movie dahil kasama niya ang tunay na Pantasya ng Bayan. Subukan raw ni Cristine na gumawa ng solo sexy movie. Tingnan niya kung magklik ito sa takilya. Baka raw madismaya lang siya kapag nabalitaan na first day at last day ang movie niya sa ilan sinehan.

ADVERTISING

Tulad nitong latest movie niya na sinamahan na nga ni Heart Evangelista para kahit paano ay makahatak pero tila posibleng mag-flop dahil isinentro sa kanya lang ang mga sexy role at tinanggal ang kay Heart. Well, sana ay nagkamali kami para hindi naman madismaya ang producer na nagtiwala na kunin ang serbisyo niya sa pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING