Cristine Reyes, unhappy with ABSCBN management

MATAPOS ANG EVA Fonda, mapapansing nag-lie low ang career ni Cristine Reyes sa bakuran ng ABS-CBN. Lumalabas na lang ang seksing aktres sa isang gag show ngayon – ang Banana Split. Tinanong ng Pinoy Parazzi ang dalaga para makumpirma, at mayroon nga raw nangyayaring pag-uusap. Bawal pa raw siya mag-komento tungkol sa mga bagay bagay na pag-uusapan with the ABSCBN management. Tinext namin siya kung true nga bang hindi na siya masaya sa pamamahala ng Dos? Ang tanging nasagot niya ay namimiss na raw niya ang mga kasamahan niya sa ibang istasyon, although masaya na naman raw ang Banana Split. Meron daw nakaline-up na bagong dram para kay Cristine Reyes pero hindi pa raw napaplantsa ang mga detalye. Nagbabadya na ba siyang lumipat sa kabilang bakuran?

by Parazzi News Service

Previous article“At this point, I’m not ready for any commitment.” – John Lloyd
Next articleRiza Santos: The Desirable Diva signs off

No posts to display