Cristine Reyes, tuloy pa rin sa pagpapaseksi kahit kasal na

ADVERTISING

Cristine Reyes, tuloy pa rin sa pagpapaseksi kahit kasal na

Cristine-ReyesHindi pa rin daw tatalikuran ni Cristine Reyes ang pagpapaseksi na dati na niyang ginagawa noong dalaga pa siya kahit pa kasal na sila ni Ali Khatibi.

ADVERTISING

“Depende po siguro ‘yun sa project.”

Eh, wala naman bang magiging problema kay Ali if ever?

“Si Ali, maintindihin naman ‘yan sa mga bagay. Kung ma-explain mo sa kanya na maganda ‘tong project na ‘to, I’m sure approved naman sa kanya,” sambit pa ng aktres.

ADVERTISING

When asked kung totoong mag-aartista na rin ang kanyang future husband, inamin ni Cristine na pumirma na si Ali ng kontrata sa Viva.

“Viva signed him up. Sa ano siya, eh, Viva Sports. But then again, pinag-workshop siya sa acting,” sabi ni Cristine.

Eh, gusto rin ba ni Ali na mag-showbiz?

“Tawa nga siya nang tawa, eh. Sabi niya, hindi niya alam ang ginagawa niya. Pero we’ll see,” tugon pa niya.

Kasalukuyang nagti-taping si Cristine Reyes ng teleseryeng Tubig at Langis sa ABS-CBN kasama sina Zanjoe Marudo at Isabelle Daza.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING