Cristine Reyes, todo-iwas kay Jennylyn Mercado?!

ADVERTISING

Cristine Reyes, todo-iwas kay Jennylyn Mercado?! Cristine Reyes, todo-iwas kay Jennylyn Mercado?! UMAMIN NA RIN ang magkasintahang LJ Reyes at Paulo Avelino na buntis nga ang young actress at matagal din nilang itinago, ha?

Anim na buwan na palang buntis itong si LJ nang nakasama namin nu’ng Starstruck V, buntis na pala siya nu’n pero hindi nahalata!

Kahit nga ang relasyon nila ay itinatago rin nila pero open naman sila sa mga close friends at kahit sa amin nga ay nakikita namin kung gaano sila ka-sweet.

Ayun na! Nagkabukingan na nang napabalitang buntis at inamin na nga nila ito sa Startalk nang in-interview sila ni Ricky Lo.

Naka-schedule na ngang umalis si LJ patungong Amerika para roon niya iluluwal ang anak nila ni Paulo. Ang pagkakaalam ko, baby boy ang dinadala nito pero hindi na nila binanggit sa interview sa kanya ni Ricky.

ADVERTISING

In fairness naman sa dalawa, ilang beses nilang sinasabing hindi sila dapat pamarisan at isang pagkakamali itong nangyari sa kanila pero kailangan daw nilang harapin ito. Hindi naman daw nila ito itatanggi o itatago.

Suportado naman ng GMA-7 ang dalawa at nangako naman ang GMA Artist Center na pagkatapos manganak ni LJ ay puwede naman daw itong bumalik at bibigyan pa rin daw nila ito ng trabaho.

Si Paulo naman, patuloy pa rin naman ang career at dahil nga sa buntis isyung ito, parang lalong pinagnasaan ng mga babae na parang type din yata nilang magpabuntis, huh!

Kung napanood n’yo ang interview sa dalawa sa Startalk, nakikita namang mahal na mahal nila ang isa’t isa at nangako si Paulo na hindi niya pababayaan si LJ.

Hindi nga lang nila masasabi kung magpapakasal na sila. Ang focus muna nila ngayon ay ang baby nila dahil nakatakda na itong manganganak sa July.

KAGABI ANG PREMIERE night ng pelikulang Working Girls na ginanap sa Cinema 10 ng SM Megamall at nu’ng Biyernes pa lang ay sinasabi na sa amin ni Veronique del Rosario ng Viva Films na hindi tiyak kung makararating si Cristine Reyes.

Nu’ng nakaraang presscon nito ay hindi sumipot si Cristine na ang sabi raw ay hindi raw siya nakagising dahil inumaga sa taping. Pero nagpasabi naman itong darating siya na hindi naman nangyari dahil hindi na makontak bago nagsimula ang presscon.

Pinadalhan na raw ito ng invitations para sa premiere night at hindi raw siya nag-confirm kung makararating siya.

Lalong napagdudahan tuloy na iniiwasan nito si Jennylyn Mercado. O baka iniiwasan lang niya na sa kanila lang ni Jennylyn nakatutok ang media.

Nu’ng nakausap namin si Jennylyn kamakalawa lang, sinabi nitong talagang darating siya kahit galing pa ito ng Party Pilipinas sa Pangasinan. Wala naman daw problema sa kanya kung magkikita sila ni Cristine dahil ang tingin naman daw niya ay okay silang dalawa.

May communication pa nga raw sila nu’n at madalas daw sila nagbi-BM (Blackberry message), kaya lang biglang nagpalit naman ng phone si Cristine kaya hindi na raw niya alam kung ano ang bagong number nito.

Mukhang happy naman ngayon si Jennylyn dahil obvious namang in love ito at nagkamabutihan na nga sila ni Dennis.

Nabuking nga ng Mommy Lydia ni Jennylyn na madalas daw dumadalaw roon si Dennis. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING