Cristine Reyes, sinampal ang ina?!

ADVERTISING

Cristine Reyes, sinampal ang ina?!

Cristine Reyes, sinampal ang ina?!

SA TOTOO lang, kung paniniwalaan mo ang mga kuwento tungkol kay Cristine Reyes, mapapailing ka na lang.

Kahit seksi siya, ang mga machong lalaki na trip na trip siya, matatakot sa kanya dahil sa mga kuwentong naglalabasan (na hanggang ngayon ay wala pa ring tigil) tungkol sa masamang pag-uugali niya.

Recently, nagsalita na naman siya against her sister Ara Mina na diumano’y ang boyfriend nito na isang pulitika na si Mayor Meneses ang siyang major “sponsor” ng pabulosang lifestyle ni Ara.

ADVERTISING

Akala ko ba ay tumigil na siya’t humingi na ng dispensa sa kapatid sa naunang pambabastos na ginawa niya?

Kamakailan, saksi ang isang entertainment writer na close sa ina niya na nakita na umiiyak ang ina.

Saksi ang movie writer kung paano sinampal ni Cristine ang ina dahil lang sa isang maliit na diskusyon nilang dalawa.

Ang reporter, nagulat sa inakto ni Cristine.

Wala sa matino nating pag-iisip na sasampalin natin ang ating mga ina dahil lang sa isang bagay or maliit na diskusyon.

Naalala ko tuloy ang kasabihan na kung ano ang inaakto ng isang anak at pagtrato sa kanyang ina, doon mo masusukat kung anong pagkatao meron siya.

Sa totoo lang, over na itong isyu ng pananampal. Hindi na tama. Sobra na.

I just hope na may magawang tulong ang boyfriend niya na si Rayver Cruz para pagsabihan si Cristine na “super negative” na at pagiging isang masamang anak sa kanyang ina after this current incident.

Kung si Ara na nakatatandang kapatid niya at ang ina niya ay hindi siya masupil – sino ba ang kayang bumali ng sungay ni Cristine para makabawi-bawi man lang siya sa mga pinagagagawa niya.

 

KUNG DATI-RATI’Y tila patago ang relasyon nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla (anak ni Robin); tila okey na sa action superstar ang pinasok na lovelife ng anak.

Suportado ni Binoe si Aljur para maging boyfriend ng kanyang anak.

Magalang naman si Aljur at seryoso sa dalaga.

Cristine Reyes, sinampal ang ina?!

I remember last year na sa pagtatagpo nina Aljur at Kylie noon na may mga press people sa kanilang pupuntahan, makikiusap na ang kaibigang Jobert Sucaldito na deadma na lang at huwag nang isulat kung ano man ang makikita namin at masasaksihan.

After of proving to Binoe ng malinis na intension ni Aljur kay Kylie, hindi na ngayon problema kung sakaling makita man ang dalawa ng media at mahuli sa kanilang mga date dahil aprub na ito sa amang si Robin.

 

MAY CAREER pa pala si Derek Ramsay.

Hindi ko alam na malapit na palang ipalabas ang pelikula niya with Anne Curtis and Andi Eigenmann kung hindi ko pa nabasa sa Twitter.

The other day ko lang nalaman na may action-teleserye rin pala siya sa TV5 with another TV5 “starlet” named Ritz Azul kung hindi ko pa napanood ang showbiz show na Ang Latest.

Sa totoo lang, ito ang problema ng TV5, hindi yata kumikilos ang kanilang PR & Publicity Department at hanggang ngayon, nasa “starlet” category pa rin itong si Ritz kahit matagal na ito sa showbiz.

Hindi kasi nagre-reachout ang PR department ng TV5 para makilala ang mga alaga nila. Sa totoo lang, mas may impact pa sina Vin Abrenica, Akihiro Blanco and the Artista Academy wards nila kumpara sa mga naunang alaga nila na waley naman nagawa in the past two-three years of existence nila sa industriya.
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING