Cristine Reyes, sinagot na ang mga paratang ni Vivian Velez

ADVERTISING

Cristine Reyes, sinagot na ang mga paratang ni Vivian VelezKahapon, March 8, sinagot na ni Cristine Reyes ang mga paratang ng pambabastos umano ng bida ng panghapong teleserye ng ABS-CBN na “Tubig at Langis” sa kanyang co-star na si Vivian Velez.

Sa naunang lumabas na balita, nais ni Vivian Velezna mag-resign sa nasabing teleserye dahil umano sa pambabastos sa kanya ni Cristine sa loob ng kanilang shared standby room. Sinabi pa ng beteranang aktres na pinaaalis siya ni Cristine at pinalilipat sa ibang dressing room.

“I can’t stand the spoiled brat behavior of Cristine Reyes. I have worked with the biggest stars in the industry and I can say that I’ve come full circle, but never had I experience such rudeness by anyone in the industry,” saad ni Vivian sa balitang lumabas dito sa Pinoy Parazzi.

Sa paliwanag ni Cristine, sa pamamagitan ng Viva Entertainment, Inc. na namamahala sa kanyang career, na lumabas sa pep.ph, ngayon lang daw siya nakaranas ng ganitong insidente sa kahit kaninong katrabaho sa kahit saang proyektong ginawa niya.

Aniya, “I have always put our senior stars in high regard and do my best to treat them with much respect. In fact, I have not had any incidents like this with anyone, senior or otherwise, on the set of any project until now.”

ADVERTISING

Sa mahabang paliwanag ni Cristine, ikinuwento niya kung paanong humantong sa ‘gulo’ ang sinasabi ring ‘hindi pagkakaunawaan’ sa set ng teleserye.

Mga dalawang lingo na raw ang nakalilipas, nagkaroon siya ng problema sa tent na in-assign sa kanya dahil sa dami ng lamok, kaya hindi siya kumportable na mag-stay roon. Natatakot din daw siya na magkaroon ng sakit na dengue dahil doon kaya naman inutusan ng Associate Producer (AP) ang production staff na lagyan ng katol ang tent, na ayon kay Cristine ay hindi rin effective.

Tiniis umano ng aktres ang buong taping day at nangako naman ang produksiyon na ililipat siya sa mas maayos na dressing room sa mga susunod nilang tapings.

Saad pa ni Cristine, “I thought that it was not so much to ask because I’m the first to arrive and the last to be packed up most of the time due to the volume of sequences I had to do every taping day.”

“The next taping after that, I was transferred to a better dressing room. It was the master’s bedroom of the location we were at.”

Mula raw noon, naging regular na niya iyong dressing room o standby area. Hanggang sa noong nakaraang Huwebes, March 3, nakiusap daw sa kanyang ang Executive Producer (EP) na kung puwedeng maki-share sa nasabing standby area si Vivian habang ihinhanda pa ang naka-assign ditong dressing room.

Ani Cristine, “I of course agreed. I was fine sharing a room with any of my co-stars for as long as we have mutual respect. I would not have agreed with production if I had any ill feelings towards Ms Vivian.”

Kuwento pa ni aktres, “My staff and I came from shooting for a movie that day so we were all tired. We tried to get some rest and sleep in the bedroom but Ms Vivian made it difficult for us.

“She was busy fixing her things and in the process made a lot of noise. She was also arguing with her Production Assistant then quite loudly that made sleeping impossible at that point.

“At some point I stood up to use the rest room and was annoyed to see the toilet bowl unflushed, so when I went out I immediately called my make-up artist’s attention thinking it was he who last used the bathroom.

“I went out to get some air and went to where the common area for artists and production was. The EP asked me why I was there. I said that it was difficult to sleep with Ms Vivian inside the room. The EP told me not to worry because Ms Vivian’s dressing room will soon be ready.”

Ikinuwento rin ni Cristine na nauna nang nagbanta si Vivian na sa production na patayin na lang ang character niya sa teleserye kung hindi mapagbibigyan ang kanyang demand. Sabi umano sa kanyang ng EP, “Pagpasensiyahan mo na. Mawawala na rin siya sa show kasi nag-demand si Vivan na kung hindi papalitan ang wardrobe at stylist, patayin na lang daw siya sa show.”

Nagsimula ang gulo nang pagbintangan siya ni Vivian na siyang nagpapaalis sa kanya sa kanilang dressing room nang sabihan ng production assistant s ang beteranang aktres na ready na ang dressing room at puwede na itong lumipat doon.

“The EP immediately tried to pacify her but she stood her ground and continued shouting, telling everyone that I was the one booting her out of the room,” sabi pa ni Cristine na noon din lang daw niya nalaman na kay Vivian pala talaga naka-assign ang nasabing kuwarto.

At dahil nauunawaan naman daw ni Cristine ang pinagdaraanan ni Vivian ng mga sandaling iyon, “I then opted to just transfer and move out from the room assigned to me to ease tensions.”

Dagdag pa ni Cristine, “Later I spoke to the EP and requested a dialogue with Ms Vivian so I can make it clear with her that I had nothing to do with the request for her to transfer rooms. The EP told me that it was impossible at that time to have a dialogue with Ms Vivian because her emotions were still so high. I did not want to push it too and, out of frustration and stress, I cried to my co-star Zanjoe Marudo.”

Nagpaliwanag din si Cristine sa sinasabing pagpaparinig daw niya kay Vivian sa pamamagitan ng pagkanta. Aniya, “I was so stressed that when it was finally time for me to do a scene where Ms Vivian will be present I was trying to motivate myself by just singing Avril Lavigne’s ‘Goodbye’ song before doing the scene. It was of course subliminal because of my knowledge of her departure from the show. It was short of saying to myself precisely what the EP informed me earlier. More than anything, it was my way of dealing with the situation to get the job done. The scene was shot and thank God it was not with Ms Vivian directly but with Zanjoe. Ms Vivian was also there but her point of view was also with Zanjoe.”

Nang matapos umano ang eksena, kinumpronta siya ni Vivian. “When the taping of the scene was done, I was still stressed and continued singing while I was walking up the stairs towards my dressing room to ease some of my stress and tension. It was at the point where I was on the stairs that Ms Vivian and her make-up artist charged towards me. “Ms Vivian started to shout at me and, I quote, ‘Ako ba ang pinariringgan mo!? Sino ka ba?! Superstar ka ba?!’

“I got rattled at this point and I just answered her in a mild manner, ‘Kumakanta lang naman ako, masama bang kumanta?’ And it was at this point that Zanjoe pulled me away from the scene because he was alarmed with the way both Ms Vivian and her make-up artist were charging toward me.”

Sa dulo ng pahayag ni Cristine, nag-sorry si Cristine kay Vivian at sa kung sinumang naapektuhan ng nasabing pangyayari.

“I am sorry that some gaps in the communication between the production staff, Ms Vivian, and myself escalated some issues. I reiterate that I wanted them resolved soonest for everyone’s peace of mind.

“I am also sorry that emotions got so heightened that some of my actions were misconstrued for rudeness when they were, more than anything else, my own way of coping with the stressful working conditions on the set in this particular instance.

“But I sincerely apologize if it hurt Ms Vivian or anybody else. I do have high regard for and respect with thanks senior artists who have paved the way for stars like me in the industry.”

By Parazzi Boy

ADVERTISING