CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO!

ADVERTISING

CRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO!SA MARCH ISSUE ng YES Magazine inilahad ang lahat ng mga anggulo sa hiwalayang Sarah Geronimo at Rayver Cruz. Dito rin inihayag kung paano nalaman ni Sarah ang tungkol sa namuong relasyon nina Cristine Reyes at Rayver. Sa naturang issue, hindi pa man daw hiwalay sina Sarah at Rayver, nabuo na ang pag-iibigan naman nina Cristine at ng aktor, na labis labis daw na iniyakan ng Pop Princess, ayon sa kanyang personal assistant.

Nung Sabado, dumayo pa kami sa Pampanga upang mahingan ng komento si Cristine sa issue at kung ano ba ang mga reaksiyong nakakarating sa kanya nung lumabas na ang exclusive tell-all interview ni Sarah. “Wala namang mga reactions,” sagot ng aktres.

ADVERTISING

Sa nasabing interview, feeling ba niya ay makakahinga na siya at tuluyan nang makapag-moved on ang dalawang panig?

“Oo much better na, peaceful na ako and all, so there’s nothing more to worry,” aniya.

Gaano na kaya kasaya ang puso niya ngayon?

ADVERTISING

“Masaya! Okay naman po ako, wala na akong hinihiling pa. Work na lang nang work.”

Sa interview kay Cristine, nabanggit daw nito ang tungkol sa mga ‘matatanda na sumasali pa sa kanilang problema’?

“Siguro opo. Nasabi ko po yata,” aniya.

Sino naman ang pinatutungkulan niya roon?’

“Ayoko nang magsalita tungkol sa isyu, masyado nang mahaba. Gusto kong matapos na para makapagsimula na tayo. Huwag na po nating pilitin, kasi sa ngayon, iniiwasan ko nang magsalita. Iniiwasan ko  na pong mag-comment para matapos na ‘yung issue.”

Totoo ba na pinagsabihan daw siya ng ABS-CBN na mag-apologize kay Sarah nung kasagsagan ng kanilang away?

“Opo,” ang tanging sagot ni Cristine. Ginawa raw niya ito para matapos na at matahimik na ang kanilang mga buhay. Sa ngayon daw ay ‘peaceful na at peace na ang lahat’, dagdag pa ng seksing aktres.

NAKAUSAP NAMIN SI Bryan Revilla sa launching ng kanyang bagong negosyong sapatos na Mint Design na ini-export sa ibang bansa.

Bakit sa negosyo ang focus niya ngayon at hindi sa pulitika kung saan nalilinya ang kanyang pamilya?

“Halos everybody in my family ventured into politics, ako naman, I wanted to separate. I wanted to do something different na I am passionate about. And I really love sneakers, I’m a big fan, kaya dito muna ako,” sagot ng aktor.

Pero hindi pa naman daw siya totally nahiwalay sa usaping pulitika. “I’m basically working for my dad, I love helping people, sa mga natulu-ngan namin mula pa sa lolo ko up to my parents, masaya ako sa gano’n, kaya somehow, may usaping pulitika pa rin sa buhay ko,” aniya.

Preparasyon na ba ito sa pag-aasawa niya kung sakaling makahanap na siya ng babaeng mamahalin?

“No. I just want to do something to establish myself as a young bachelor, pero wala pa sa isip ko ‘yan,” pagtatapos ni Bryan.

Sure na ‘toCRISTINE REYES, PINAG-SORRY NG ABS-CBN KAY SARAH GERONIMO!

By Arniel Serato

ADVERTISING