Cristine Reyes, pati press inaaway na rin!

ADVERTISING

Cristine Reyes, pati press inaaway na rin!

Cristine Reyes, pati press inaaway na rin!MALAKI TALAGA ang magiging epekto kay Cristine Reyes ng mga kontrobersiyang sunud-sunod na nangyayari sa kanya. Nauna na nga riyan ang ma-tinding hidwaan nila ngayon ng kanyang ate na si Ara Mina. Pangalawang hindi makatutulong sa career ng seksing aktres ay ang panlalait niya sa press na sinabi niyang mga bayaran daw. Iyan kasi ang isang pang-insulto na kailangan sa showbiz ng mahabang paliwanagan. Pero pinasimulan ng kapatid ni Ara, kaya malamang ay pagsisihan niya dahil sa katalasan ng kanyang dila.

Ang dapat lang naman sanang gawin ni Cristine ay manahimik siya at magpalamig sa sitwasyon habang obvious naman na napakaraming nagsisimpatiya kay Ara tungkol sa hidwaan na namamagitan sa kanila. Kinaiinisan man si Cristine, tanggap at pinagtitiisan na rin ng maraming tao sa showbiz na ganu’n talaga ang perso-nalidad ni Cristine, kaya hindi na siya dapat pang nagdadagdag ng iba pang gulo na puwedeng magpasakit ng kanyang ulo.

Dapat ding malaman ni Cristine na kung PR ang pag-uusapan ay magkaiba sila ni Ara. Libong beses talaga na kung pakikisama ang pag-uusapan, mas maraming tao ang pipiliin na si Ara ang pakisamahan, dahil maamo si Ara sa mga tao at hindi umaasta ng pagmamaldita. May karisma si Ara sa press, at hindi niya kinakailangang magbayad para siya isulat at purihin.

 

ADVERTISING

NAGING PARTE rin naman kasi si Rita Avila ng teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, kaya ngayong humahataw sa rating ang nasabing drama series, patuloy pa ring napag-uusapan ang magaling na aktres. Ang nakalulungkot lang, ngayong pinatay na ang kanyang character sa nangungunang teleserye ngayon sa telebisyon, kung anu-anong tsismis at kasiraan naman ni Rita ang kumakalat sa showbiz.

Pinagbibintangan si Rita, na dahil sa pangyayari ilang taon na ang nakalilipas kung saan namatayan siya ng anak, na baka raw hindi pa rin nakalilimot hanggang ngayon. Kaya ang epekto raw ay nakawiwindang diumano ang mga ikinikilos dati sa taping ng teleserye nila nina Coco Martin, dahil kinakausap, pinadedede at nilalagyan ng diaper ang lagi niyang dalang dalawang manika. Parang hawig na raw du’n sa isang magaling ding aktres, na kinakausap ang mga halaman at damo sa kapaligiran sa tuwing mayroong taping.

Mabait na tao si Rita. Mapakisama ‘yan sa mga taga-showbiz. Napaka-unfair para sa kanya ng mga tsismis na ‘yan. Mayroon pa nga ngayong isang kumakalat na tsismis tungkol sa kanya: Diumano, si Rita Avila raw ‘yung babaeng tumatawag sa cellphone ni Richard Gomez sa kalaliman ng gabi na nangungumusta at nagu-goodnight. Noon kasing ipalalabas na ang Walang Hanggan, may naikuwento si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na mayroon nga raw siyang natarayan sa telepono, isang babae na hindi niya pinangalanan kung sino, na tumatawag daw kay Goma sa kahimbingan ng kanilang pagtulog.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING