Cristine Reyes, nagpa-ultrasound?

ADVERTISING

Cristine Reyes, nagpa-ultrasound?

Cristine-ReyesMAY SECOND wave ng buntis issue kay Cristine Reyes. Meron kasing isang follower ang Fashion Pulis na nag-post ng ganito, “Sinong actress na C ang nakitang pumasok sa ultrasound clinic kanina?”

Immediately, isang name ang hula ng marami – si Cristine ang tinutukoy sa post.

A few weeks back, nasulat namin na pinagtsitsismisang buntis si Cristine dahil pilit daw nitong itinatago ang kanyang tiyan. Also, the rumor floated when in one event ay nag-refuse si Cristine na uminon ng alak. Ang contention ng sumulat, kilalang laklakera si Cristine kaya nakapagtatakang ayaw nitong uminom ng alak.

Nang matanong ang younger sister ni Cristine sa premiere night ng kanyang movie ay naimbiyerna ang hitad. Bigla itong nag-walkout na ikinaloka ng mga writers.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING