Cristine Reyes, nagka-asawa’t nagka-anak na, ‘di pa rin nagbago ng ugali

Cristine Reyes, nagka-asawa’t nagka-anak na, ‘di pa rin nagbago ng ugali

Cristine Reyes, nagka-asawa’t nagka-anak na, ‘di pa rin nagbago ng ugaliMatagal na ang reklamo ng beterang aktres na si Vivian Velez sa kasama niyang si Cristine Reyes sa panghapong teleserye sa Kapamilya Network.

Noong una, hindi pa pinangangalanan n Double V kung sino ang tinutukoy niya. In short, pinagtiisan muna niya ang co-star sa kung ano mang mga pagmamalditang ginagawa nito sa kanya para iwas-gulo.

Noong Biyernes, sa radio program nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz, pinangalanan na ni Jobert kung sino ang tinutukoy ni Vivian.

Noong una, akala nga ng mga nakababasa ng social media posting ni Vivian, ang anak ni Ms. Gloria Diaz na si Isabelle Daza ang tinutukoy ng aktres sa kanyang social media account.

But with Isabelle’s breeding and upbringing, malamang sa hindi, hindi si Isabelle ang tinutukoy ni Vivian na co-star niya sa afternoon serye na walang paggalang sa kanya at sa ibang mga artista.

Noon pa man, may ganitong kuwento na tungkol kay Cristine Reyes.

Remember, pati ang nakatatandang kapatid niya na si Ara Mina, binakbak niya sa publiko na kung anu-anong kuwento ang inakusa sa kanyang ate, na diumano’y isa itong “for hire”. Kung ako lang ang nasa sitwasyon ni Ara noon, tatampalin ko ang bibig ni Cristine hanggang sa magdugo para matauhan sa kabastusan niya at walang paggalang sa ate. Pero nauwi ang lahat sa pagpapatawad.

Akala ko, nagbago na si Cristine, lalo pa’t nag-mature na ito at may anak na.

Sa panayam ng kaibigang Arniel Serato ng PEP, ipinahayag ni Vivian ang mga kadahilanan kung bakit nagdesisyon siyang mag-resign sa afternoon show.

To quote Vivian: “The straw that broke the camel’s back was when we shared a designated standby room and she asked me to leave the room because she wants it only for her own.

“She bangs the doors, shouted at me. She keeps on singing ‘Goodbye, Farewell’ in front of my face while we are rehearsing.

“She complained to the production staff why they are nice to me and she should be the priority all the time. And many other instances of rudeness that is uncalled for,” sabi ni Vivian sa panayam.

Dahil sa pambabastos ni Cristine sa kanya, iyak siya nang iyak noong last taping niya sa serye na inalalayan naman siya ng co-stars na sina Zanjoe Marudo at Isabelle na hindi siya iniwanan.

Reyted K
By RK VillaCorta