Cristine Reyes, maselan ang pagbubuntis

Cristine Reyes, maselan ang pagbubuntis

Cristine-ReyesMABILIS ANG facing ng relationship nina Cristine Reyes at Ali Rhatibi. For 2 months, nabuntis agad ang sexy actress. Palibhasa same circle of friends kaya’t nagkakilala ang dalawa. First meeting, agad may physical attraction ang isa’t isa. Nagkataon pa na mahilig sa sports ang dalaga kaya’t naging madali para sa binata na i-invite nito si Cristine sa kanilang gym para turuan ito ng Jiu-jitsu.

Former Universal Reality Combat Championship Flyweight Champion si Ali and accomplished Brazilian Jiu-jitsu purple belt athlete. Nasabi kasi ni Cristine sa kanya na gusto nitong matuto ng Jiu-jitsu. Du’n na nagsimula ang kanilang love affair. Palitan ng cell number, tawagan, ‘yun na. Hindi nga raw akalain ni Ali na sisipot si Cristine sa gym, baka pini-play time lang siya. Mabilis daw ang pangyayari, ayon kay Ali. Palibhasa may kakaibang feeling silang nararamdaman kaya’t agad naging sila.

Nang malaman ni Cristine na buntis siya, agad nitong ipinaalam kay Ali at sa kanyang pamilya. Hindi agad nila ipinagmakaingay dahil kailangang sigurado ang dalagang totoong buntis nga siya. Dalawang beses nag-pregnancy test si Cristine kasama si Ali bago inamin in public na totoong buntis nga ito.

Very proud si Cristine sa kanyang dyowa. Sinabi niya sa social media bago ito magbuntis na may bago na siyang boyfriend at ang pangalan nga ay Ali. Na-overwhelm ang belt athlete dahil sa suportang ibinibigay sa kanya ng sexy actress sa kanyang sporting endeavors kahit hindi pa nito nakikitang lumaban sa isang live fight si Ali.

Happy si Cristine sa kanyang pagbubuntis, very supportive raw ang pamilya ni Ali. Lahat daw ng prutas ay ibinibigay sa kanya. Ginataang bilo-bilo na may langka ang nakahiligan niyang kainin nu’ng first few months. She’s also craving for turon and pizza. Super na ini-enjoy ngayon ni Cristine ang pagiging buntis dahil nand’yan si Ali, totoong mahal siya at kanyang pamilyang palaging nakasuporta at kapatid na Ara Mina na laging umuunawa.

Nang dahil sa publicity ng pagbubuntis ni Cristine, nakilala ng publiko ang boyfriend niyang si Ali, napo-promote ang sports nito sa martial arts. Hindi magiging hadlang ang magiging future husband ng sexy actress sa pagbabalik-showbiz nito pagkatapos siyang makapanganak. May mga naka-line-up na project na gagawin si Cristine sa Viva Films at Kapamilya Network. Happy and contented with what she’s achieved in her career and personal life. May sarili na rin siyang ipon for the future of her baby.

Sa ngayon, nagme-marriage counseling sina Cristine at Ali dahil may plano silang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya after giving birth. Hindi lang malinaw kung next year ito magaganap. Gusto ng actress na may knowledge siya sa pag-aasawa if ever ikasal nga sila ni Ali. Siyempre nga naman, family na ang magiging priority ni Cristine, secondary na lang ang kanyang showbiz career. At wala raw siyang regrets na magiging ina na siya. Ibang klaseng feeling daw ang nararamdaman niya, mahirap i-explain, mix emotion ng happiness. Complete rest at bawal mapagod ang kailangan ni Cristine dahil medyo maselan daw ang pagbubuntis nito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield