Cristine Reyes, Makikipagbati na Kay Ara Mina?!

MAY NAKAPAGSABI sa aming mapagkakatiwalaang source na pagkauwi raw ni Cristine Reyes galing Boracay ay may kinausap daw itong isang tao upang makapagtulay sa kanya para makausap at maki-pagbati na sa kanyang ate na si Ara Mina.

Pero, ayon pa  sa  aming source, hindi pa raw handa si Ara dahil labis itong nasaktan sa mga masasakit na salitang binitawan ni Cristine sa text.

Ayon pa sa iba naming nakalap na balita, ang gusto raw ni Ara ay mag-public apology si Cristine sa kanya. Pero para sa amin, paano kaya masusukat kung sincere nga ba ang public apology na gagawin ni Cristine (if ever na gagawin niya)? Paano kaya nito rin mabubura ang mga marka ng latay ng mga sakit na salitang nai-text nito sa kapatid?

Just asking!

NATIYEMPUHAN NAMIN si Rima Ostwani sa isang event kamakailan lang at masaya namin siyang kinumusta after a short stint in showbiz. Aniya, “I’m good, I’m good, thank you so much.”

Nakilala si Rima sa mundo nang showbiz nu’ng naging sila noon ni Diether Ocampo. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi ito sa hiwalayan. Matapos nito, umugong ang balitang papasok na rin daw siya sa showbiz. Pero bakit nga ba napakabilis ng kanyang pagtigil sa pag-aartista?

Tugon nito, “Actually, ‘yung showbiz na ‘yun, it wasn’t really… it was not actually planned, it was something that came. And as I was advised by Tito Boy (Abunda), I grabbed the opportunity, I tried it. But it wasn’t really ‘yung parang plano para sa akin. I always wanted to do modeling, hosting jobs. Showbiz? I tried it, when the opportunity came, ‘yun lang po ‘yun.”

Pero ‘pag may tamang project kaya ulit, babalik siya sa showbiz? “If a right project comes along, why not? But it’s not a priority po. But when it comes, why not po? ‘Di siya priority now.”

Sa ngayon, single pa rin daw siya matapos ang hiwalayan nila ni Diet.

Aniya, “Yes, I’m single. Yes, because I fell ‘pag dumating na ‘yung tamang tao… saka na. Hindi pa siya dumating.”

SA PAKIKIPAG-USAP namin kay Vina Morales, nitong nakaraang Linggo lang, inusisa namin siya tungkol sa balitang muli na naman daw siyang nakikipag-date. Natatawa si Vina at parang ayaw niyang sagutin ang isyu, pero nagpa-unlak din ito na magbigay kahit kaun-ting impormasyon.

Lahad niya sa amin, “It’s been three years talaga na hindi ako nakikipag-date. Siguro para sa akin, nagbigay ako ng panahon para sa anak ko. Tsaka I wasn’t ready to date. Now I’ve realized na, I think kailangan ko na ring may makilalang iba, and to move on.

“By doing that, siguro okay na ako today, and I’m open for dates now, and I’m open for a relationship, bahala na si  Lord, kung sino man ‘yun, basta bahala na. I know it’s best for me.”

Dagdag pa nito, “Huwag na please, baka maudlot, at mauudlot, huwag na lang. Huwag… basta this time I’m ready for a relationship. ‘Di ko naman itinatago ‘yun. We’ll see. Let’s wait and see. Only God knows who I’ll end up with. I’m ready na, I’m super ready na.”

Is she the marrying type kaya? “Alam mo kahit naman sinong babae ‘yun ang dream (ang ikasal).”

Kumusta naman kaya ang relasyon nila ng ama ni Ceana na si Cedric?

“We’re good, we’re civil. We’re civil friends.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleSey ni Sharon Cuneta: Tatayo ang show ko, kahit ‘di mag-guest si Piolo Pascual!
Next articleSa balitang Dingdong Dantes-Angel Locsin movie Marian Rivera, takot magkomento?!

No posts to display