Cristine Reyes, limitado na ang pagpapa-sexy sa pelikula

Cristine Reyes, limitado na ang pagpapa-sexy sa pelikula

Cristine-ReyesLALONG NAGING sexy si Cristine Reyes after nitong makapanganak. Walang nabago sa figure nito at sa tingin nga namin, mas bumata siya. Happy ang actress sa piling ng kanyang live-in partner at sa baby daughter nila. Balik-trabaho na naman si Cristine, may bago siyang teleserye sa Kapamilya network at may naka-line-up na pelikulang gagawin sa Viva Films.

Ayon kay Cristine, limitado na ang pagpapa-sexy niya sa pelikula dahil nga mother na siya. Priority ngayon ng actress ang kanyang pamilya, secondary na lang ang career nito. Nag-iba raw ang mga priority niya at outlook sa buhay nang maging nanay na siya. Iba rin ang feeling kapag may inspirasyon at may taong nagmamahal nang tunay at tapat sa kanya.

Kita naman sa aura ni Cristine nang makita namin ito sa Viva office kasama ang love niya. Simple lang at walang make-up, pero pretty pa rin sa paningin namin. ‘Yung pagiging natural at simple ang nagustuhan sa kanya ng gym instructor.

Natapos na rin ang unos sa pagitan ng magkapatid na Cristine Reyes at Ara Mina. Nagbalik uli ang maganda nilang samahan bilang mag-ate. Ngayon nga pareho na silang mother, madalas nga raw nilang napagkukuwentuhan ang kanilang mga anak. Kahit nga araw-araw silang mag-usap at ang topic nila ay tungkol sa baby, hindi sila nauubusan ng kuwento. Proud mother nga sila sa kani-kaniyang mga anak.

Ayaw na ni Cristine ng intriga, maging positive na lang daw tayo sa mga bagay-bagay at kalimutan ang nakaraan. Mag-move on sa panibagong journey sa kanyang buhay sa piling ng mag-ama niya. Gusto ng actress at partner nito na mabigyan ng maayos at masaganang buhay ang anak at mapag-aral ito sa isang exclusive school.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield