Cristine Reyes, kuntento na raw sa naabot niya

ADVERTISING

Cristine Reyes, kuntento na raw sa naabot niya

Cristine-ReyesSA JULY 30 na raw ang showing ng pelikulang Trophy Wife na pinagbidahan nina Heart Evangelista, Cristine Reyes, John Estrada at Derek Ramsay.

Ang isa sa napag-usapan pala sa presscon  nila, ito na raw ang huling sexy film na gagawin ni Cristine.

Ang hirap ng ganu’ng statement at baka kainin lang niya, ‘no! Sana tahimik na lang siya at baka mabigyan ng mas magandang project na kailangang maghubad, gagawin na naman niya uli.

Sabi niya kasi kuntento na raw siya sa na-achieve niya, kaya baka ang susunod n’yan mag-aasawa na siya.

ADVERTISING

Maghahanap na siya ng trophy husband niya.

Marami nga ang nakapansin na parang pagod na si Cristine, kaya siguro mamimili na lang siya ng mga projects na gagawin niya.

Mabuti pa ang ate niyang si Ara Mina, parang happy na siya kay Mayor Patrick Meneses at pinagplanuhan na raw ang kasal.

Ayaw lang ni Cristine na mag-comment tungkol sa ate niya, dahil mas gusto lang daw ni Ara na pribado lang ang personal na isyu niya at ‘yun din naman ang gusto ni Mayor Meneses ng Bulacan.

Abangan n’yo na lang pala ang mga pasabog namin sa Startalk bukas!

Kung matutuloy, may kuwento kami tungkol sa isang Kapuso actress na hinahanap ang kanyang tunay na ama.

Matatagpuan niya kaya ito? Abangan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING