Cristine Reyes, kinumpirma ang pagbubuntis

ADVERTISING

Cristine Reyes, kinumpirma ang pagbubuntis

Cristine-ReyesAYAN! UMAMIN na rin pala si Cristine Reyes na nagdadalang-tao siya. Sinabi na rin niya sa ASAP kahapon pagkatapos niyang mag-walk-out noon nang tinanong siya tungkol sa isyung buntis.

Kaya pala lahat ng offers ng ABS-CBN 2 sa kanya, tinanggihan niya.

Noon pa man ay kaduda-duda na talagang buntis nga ito, pero hindi pa nagsalita ang aktres.

Nu’ng nagpu-promote pa lang siya ng huling pelikula niya sa Viva na The Gifted ay parang pagod na ito at mukhang iritable na.

ADVERTISING

Sinasabi na nga niya noon na huling pa-sexy na niya ang Trophy Wife, tapos parang napagod na raw siya at gusto naman daw niyang magbigay ng oras para sa sarili. Ito na nga ‘yun! May sapat na panahon na siya para sa sarili at mababago ang buhay niya dahil sa magkakaroon na ito ng baby.

Ang guwapo naman kasi nitong Persian boyfriend niya na nakabuntis sa kanya, kaya roon na nagseryoso si Cristine. Magkakaroon kaya ng kasalan? Tingnan na lang natin.

Sa totoo lang, ang saya-saya siguro ngayon ni Mommy Klenk nila, dahil magkakaroon agad siya ng tatlong bagong apo.

Kapapanganak lang yata ng isang kapatid nilang si Heidi. Si Ara naman ay malapit na rin. Alam ko, isang buwan na lang. Tapos itong si Cristine nga ay aabangan na rin ang pangananak. Ang saya-saya nila!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING