Cristine Reyes, kinalasan na si Dennis Trillo

ADVERTISING

HINDI KO LANG sure kung dumating na sa Pilipinas si Diether Ocampo, pero may natanggap pa akong text mula sa kanya kahapon at good news naman ito.

“Good news! Thank God, false alarm. Results of all tests were normal. According to my cardiologist and neurologist, my collapse was due to fatigue. Been taping for long hours before leaving with minimal sleep and rest, and was jetlagged.”

ADVERTISING

Magandang balita nga ito mula kay Diet kaya masaya naman ang lahat ng nag-alala sa kanya lalo na ang kanyang fans.

Pagbalik dito ni Diet, marami siyang sasaguting isyu kaugnay sa nangyari sa kanya sa Amerika at ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

Pero may narinig kaming may dramang naganap doon nang isinugod ang aktor sa hospital. Hindi ko lang alam kung nakarating na ito kay Diet, pero aalamin natin dahil ayaw pa munang ikuwento ng aming source dahil tiyak na siya raw ang mapagbibintangan kapag kumalat ito.

ADVERTISING

CONGRATULATIONS KAY CRISTINE Reyes at siya na nga ang napiling Sexiest Pinay ng FHM.

Magkakaroon ng grand event ang FHM sa July 9 na gaganapin sa World Trade Center at sabi nga ni Cristine, itotodo na niya nang husto ang kaseksihan nito para deserving naman siya sa pagboto sa kanya ng mga fans.

Maganda ang line-up ngayon ng FHM’s Sexiest dahil magaganda at talaga namang mga sexy ang nasa top ten gaya nina Marian Rivera, Angel Locsin, Katrina Halili, Iwa Moto, Ehra Madrigal, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Pauleen Luna at Bangs Garcia.

Tiyak na puputaktihin ng media si Cristine sa event na ito dahil hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Dennis Trillo. Napag-alamang kailan lang pala talaga sila officially nag-break.

Nagkaalaman na lang nang umiiyak daw itong nagsumbong sa mga kaibigan dahil may nakakita raw kay Dennis na ka-date si Kaye Abad. Kaya ayaw na raw talaga niya at tapos na raw sila ni Dennis.

Hindi alam ng aktor ang isyu tungkol sa kanila ni Kaye dahil kahit kami, ang pagkakaalam namin very much on pa rin sina Kaye at si Chito ng Parokya ni Edgar.

May nakarating lang sa amin na meron nang ibang girl na sinusuyo ni Dennis, pero sobrang tahimik ngayon ang aktor lalo na ang girl na dinig namin taga-showbiz din.

Hindi daw si Heart Evangelista ito na dati rin palang pinagseselosan ni Cristine. Basta kasing sexy at kasing ganda rin daw ito ni Cristine.

Kailangan ding linawin ni Cristine ang tunay na kalagayan nito sa ABS-CBN 2 dahil hindi pa nga raw siya makaalis. Pero may pinag-uusapang pursigido pa rin daw itong young actress na lisanin ang Dos at gustung-gusto nang bumalik sa GMA-7.

Kung matutuloy ang pagbalik nito sa GMA 7, tiyak na may malaking pagbabago sa casting ng isang malaking primetime series na malapit nang simulan ng Siyete. Abangan na lang natin!

by Gorgy’s Park

ADVERTISING