Cristine Reyes, ine-enjoy ang ‘paglalaro’ kina Derek Ramsay at Dennis Trillo?!

ADVERTISING

Cristine Reyes, ine-enjoy ang ‘paglalaro’ kina Derek Ramsay at Dennis Trillo?!Cristine Reyes, ine-enjoy ang ‘paglalaro’ kina Derek Ramsay at Dennis Trillo?!HINDI NAMIN napigil ang aming sarili na matawa nang husto sa isang fan ni Daniel Padilla na walang humpay sa kaiiyak at nag-lupasay pa when she finally saw her idol.

Tawa kami nang tawa dahil walang pakialam na nag-iiyak ang dalagitang fan ni Daniel habang kinukunan siya ng video na ngayon ay nasa Facebook na. Sa Cebu kinunan ang video at talagang nag-cry nang husto ang fan. Tuwang-tuwa kasi siya dahil finally ay nakita niya ang binata nang mag-shooting yata ito roon.

ADVERTISING

At ang nakakaloka pa, iyak siya nang iyak nang sabihin niyang ang suwerte-suwerte niya kasi nahawakan niya sa kamay ang binatang kanyang iniidolo.

Actually, tatlo silang female fans na nakunan sa video pero isa ang namukod-tangi dahil nga cry ito nang cry habang naglilitanya ng kanyang paghanga kay Daniel while clasping a magazine with Daniel photo in it.

Nang halos patapos na ang video ay sinabi pa ng ardent fan na sana ay mapuntahan siya ni Daniel sa bahay nila sa Cebu. Nag-iilusyon yata ang hitad at sinabi pa niyang itu-tweet na lang niya ang kanyang address sa binata.

ADVERTISING

Grabe ang adulation kay Daniel ng female fan niyang ito sa Cebu. Naaliw kami talaga watching her video.

 

Cristine Reyes, ine-enjoy ang ‘paglalaro’ kina Derek Ramsay at Dennis Trillo?!NAG-TAPING SI Gretchen Barretto the other day sa Quiapo para sa Juan dela Cruz. Maikli lang ang kanyang role dito bilang nanay-nanayan ni Coco Martin.

When she arrived ay marami ang nagulat dahil sa laki ng customized bus na kanyang sinakyan. Naloka na lang ang mga tao when they say La Greta.

At siyempre pa, Gretchen came with a coterie of alalay. Meron siyang yayas at bodyguards.

Marami ang humanga kay Gretchen dahil ang ganda-ganda pa rin nito. At kahit na hindi naman kagandahan ang location ay walang angal ang aktres. Wala raw itong reklamo at naging smooth naman ang taping niya.

 

MUKHANG INI-ENJOY ni Cristine Reyes ang paglalaro sa dalawang actor na sina Derek ramsay at Dennis Trillo.

It appears na feel na feel niya ang chismis na nagli-link sa kanya sa dalawang hunk stars. Parang ang dating kasi niya ay kay haba ng kanyang buhok at sa dalawang Papalicious siya nauugnay.

Actually, parang ipinapakita niya kay Rayver na habulin siya ng mga boys dahil panay ang date niya kay Derek habang palihim naman siyang nakikipagkita kay Dennis.

Nagtataka lang kami, bakit kay Derek ay payag si Cristine na makunan habang magkasama sila pero kay Dennis ay parang ayaw niya. Takot ba siya sa galit ni Popoy Something na parang bodyguard daw kung bumakod kay Dennis?

 

TILA FROZEN delight si Aljur Abrenica sa GMA 7.

After kasi ng Coffee Prince ay wala itong kasunod na project kaya naman parang bothered na ang binata. Siyempre nga naman wala pang kasunod ang huli niyang proyekto sa Siyete.

Sa ngayon ay ang Sunday musical variety program lang ang pinagkakaabalahan ng binata.

Ang alam namin ay me-rong soap na gagawin si Aljur kasama uli si Kris Bernal. Ano kayang nangyari rito?

Anyway, now that he’s not busy ay merong ample time si Aljur para ayusin ang bahay na kanyang bibilhin. Isinama pa nga niya si Kylie Padilla nang kausapin niya ang may-ari ng bahay na kanyang bibilhin.

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING