Cristine Reyes, inayawan ang remake ng Mexicanovela

ADVERTISING

Cristine Reyes, inayawan ang remake ng Mexicanovela

Cristine-ReyesTRUE TO her words, ayaw na talagang tumanggap ni Cristine Reyes ng daring role kahit pa sa teleserye.

Ayon sa aming source, kahit tapos nang mag-look test si Cristine sa remake ng Mexican nobelang Passion de Amor sa ABS-CBN at swak siya bilang kapareha ng hunk actor ay nag-back out pa rin ito sa project.

Dahil sa nangyari, namroblema tuloy ang production team ng serye. Mabuti na lang at available si Ellen Adarna kaya ito ang ipinalit kay Cristine.

Ang iba pang artista na makakasama sana ni Cristine sa Passion de Amor ay sina Angelica Panganiban, JC de Vera at Ejay Falcon. Posible rin daw ipasok sa series si Daniel Matsunaga.

Ang Honesto series with Paulo Avelino and Raikko Mateo ang huling project ni Cristine sa Dos.

ADVERTISING

Sa pelikula naman, isa siya sa mga bida sa The Gifted na showing na ngayong Wednesday. Kasama ni Cristine sa pelikula sina Anne Curtis at Sam Milby.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING