Cristine Reyes, inabsuwelto laban sa akusasyon ni Vivian Velez

Cristine Reyes, inabsuwelto laban sa akusasyon ni Vivian VelezAyan, inabsuwelto ng “Tubig at Langis” production si Cristine Reyes laban sa akusasyon ni Vivian Velez.

“Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez. Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa. Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito.

“Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito,” pahayag ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag na rin si Cristine at sinabing hindi niya pinalayas ng dressing room si Vivian.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleXian Lim, ‘di na kailangang amining sila na ni Kim Chiu
Next articleMaine Mendoza, pinalagan ng isang netizen

No posts to display