Cristine Reyes, iiwasan nang makatrabaho si Vivian Velez

ADVERTISING

Cristine Reyes, iiwasan nang makatrabaho si Vivian Velez

Cristine Reyes
Cristine Reyes

Bukod sa seryeng Tubig at Langis sa ABS-CBN, meron ding pelikulang ipalalabas si Cristine Reyes sa April 6. Ito ay ang horror film na “Elemento” na prinodyus ng Viva Films at idinirek ni Mark Meily.

Ginagampanan ni Cristine Reyes sa pelikula ang role ng isang nanay na merong anak na sinaniban ng elemento.

“First time kong gumanap ng nanay sa pelikula and mas na-inspire akong gawin itong movie kasi mas nakare-relate na ako sa pakiramdam na maging nanay. Na-excite ako nu’ng sinabi ng Viva na gagawin ko na ang ‘Elemento’, pero medyo natakot din ako kasi may ‘Tubig at Langis’ nga ako.

“So far, thank God, sobrang ganda ng sistema nina Direk Mark Meily sa set at 9:00 minsan, tapos na kami. So, nagkaroon pa rin ako ng time to be with my family. And then the next day, taping, and then after, diretso ako shooting,” kuwento ni Cristine.

ADVERTISING

About her issue with Vivian Velez, nagbigay din ng short reaction si Cristine.

“As much as possible, hindi natin maiiwasan na ang mga tao ay maghuhukay ng past. Pero for me, hindi ko na ‘yun kontrolado.

“So, kung may masasabi silang hindi maganda about me, I guess it’s part of my job because artista kami. Talagang minsan, may mga ganu’n talagang tao, ‘di ba? Even sa Hollywood, ‘di ba? Kahit hindi naman nila kilala ‘yung mga celebrities in real life, they would judge.

“So, I guess, inisip ko na lang part of the job ‘to,” paliwanag pa niya.

Kung hindi raw maiiwasang magkita sila in the future ni Vivian Velez, sabi niya, “Iiwas na lang siguro ako.”

Sa tanong naman if handa ba siyang makatrabaho ulit si Vivian, ang makahaluguan niyang sagot niya, “I guess, tubig at langis na kami.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING