Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!

ADVERTISING

Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!

Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!MUKHANG MALAKAS talaga ang tama ni Senator Koko Pimentel sa ABS-CBN Star na si Cristine Reyes dahil nang matanong ito ng mga press na dumalo sa ibinigay na Christmas Party ni Atty. Ferdinand Topacio, na if ever libre at single ang sexy actress ay handa ba nitong pakasalan lalo na’t annuled na rin ang kasal niya sa beauty queen na si Jewel Lobaton, isang mabilis na ‘oo’ ang naging sagot nito.

Pero dagdag ng senator na tanungin muna si Cristine kung type din ba nitong pakasal sa kanya. Nagsimula raw ang crush ng senator sa isa sa may malabanos na kutis among actress sa bansa nang mag-krus ang kanilang landas sa ABS-CBN compound at pareho silang guest sa Gandang Gabi Vice.

Kuwento pa ng senator na tapos nang kunan ang segment niya nang mapadaan siya sa harap ng dressing room ni Cristine at nakiusap daw ito sa staff ng show na kung puwedeng makilala ito ng personal na pinaunlakan naman ng mga staff ni Gandang Gabi Vice.

ADVERTISING

At nang makita at makilala raw ng senator si Cristine, hindi raw nito naiwasang magka-crush sa sexy actress dahil nagandahan ito at naging maganda raw ang pakikitungo nito sa kanya nang ipakilala siya. Kaya naman daw after the meeting ay ito na ang sinasabi niyang crush everytime na matatanong siya ng movie press.

 

Cristine Reyes, handang pakasalan ng isang senador!NALULUNGKOT ANG very generous at masasabi naming Darling of the Press na si Atty. Ferdinand Topacio dahil inuutusan daw ng TV 5 bosses ang kanyang bagong tinutulungan na si Marvelous Alejo na katas ng Artista Academy.

Kuwento nga ni Atty. Topacio sa mga press na um-attend sa kanyang pa-Christmas Party, naiintindihan naman daw niya ang TV 5 if pinalalayo na sa kanya si Marvelous, dahil na rin sa inaalagaan lang daw ng mga ito ang image ng young star at pinoproteksyonan din ang loveteam nito at ni Brent Manzano.

Pero kahit nga raw ganu’n ang naging desisyon ng TV 5, willing pa rin daw nitong tulungan si Marvelous para mas umusbong ang career nito. Handa pa rin daw si Atty. na ipag-produce ng album si Marvelous kung papayagan ito ng Kapatid Network.

Puwede naman daw na habang ginagawa ni Marvelous ang kanyang album ay hindi sila magkikita at tanging mga tauhan lang ni Atty. Topacio ang haharap sa young star para matutukan ang album nito. Dagdag pa ni Atty. Topacio na may isang salita daw kasi siya, once na magbitaw siya ng salita, gagawin at gagawin niya, kaya naman daw tuloy ang album ni Marvelous na ipinangako niya rito.

 

NAG-ENJOY RAW nang husto ang isa sa prime young actor at bussiest tween star ng Kapuso Network na si Kristoffer Martin sa shooting ng GMA 7 entry sa darating na Metro Manila Film Festival, ang Sossy Problem na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Bianca King atbp. mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Tsika nga nito na ibang Kristoffer Martin ang mapapanood nila sa Sossy Problem, kaya naman daw matutuwa ang kanyang supporters ‘pag nanood sila nito sa Dec. 25. Bukod sa Sossy Problem, napapanood din si Kristoffer everyday sa primetime soap ng GMA 7 na Pahiram ng Sandali na pinagbibidahan naman nina Ms. Lorna Tolentino, Mr. Christopher De Leon at Max Collins.

Bukod pa rito ang kanyang regular stint sa Party Pilipinas tuwing Linggo kasama ang iba pa niyang co-tweens na sina Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas, Louise Delos Reyes at Lexi Fernandez.

John’s Point
by John Fontanilla

 

ADVERTISING