Cristine Reyes, ginastusan ang kasal nila ni Ali Khatibi; sariling ina, ‘di isinama sa kasal

Cristine Reyes, ginastusan ang kasal nila ni Ali Khatibi; sariling ina, 'di isinama sa kasal

Cristine Reyes, ginastusan ang kasal nila ni Ali Khatibi; sariling ina, 'di isinama sa kasalIkinasal na nga si Cristine Reyes sa live-in partner niyang si Ali Khatibi na ginanap sa Balesin Island. Ang nakalulungkot lang, hindi ka-join si Mommy Klenk at mga kapatid nito sa nasabing  island wedding. Kung present man si Ara Mina sa kasal ng kapatid, sa sarili niyang bulsa nanggaling ang pinambili nito ng ticket. Pero sa side ni Ali Khatibi, halos kumpleto ang pamilya nito sa Balesin Island. Ang balita nga, sobra raw nagtipid ang actress kaya hindi nito nagawang ilibre ng ticket ang ina. May nagsasabing si Cristine Reyes daw ang gumastos sa kasal nila ni Ali, pati pamasahe ng buong pamilya nito.
Nauunawan naman daw ni Mommy Klenk ang sitwasyon ni Cristine. Ayaw na raw nitong maging pabigat pa sa anak. Sa isang ina, masakit ‘yung ginawa ni Cristine, inunawa na lang ni Mommy Klenk ang anak. Kung anuman ang kanyang saloobin, sinarili na lang kahit nagdurugo ang puso niya. Nanay ka, hindi ka binigyang-halaga ng sarili mong anak, ano ang mararamdaman mo? Siyempre, lahat ng magulang gusto nilang makita ang kanilang anak na ikinakasal. Minsan lang mangyayari ito sa isang babae.
May paliwanag si Cristine kung hindi man niya naisama si Mommy Klenk at mga kapatid niya sa kasal nila ni Ali sa Balesin Island. May church wedding pang magaganap dito sa Manila. Sisiguruhin daw ng actress na kompleto ang pamilya niya at sa side ng husband nito sa araw ng kasal nila. Teka, hindi kaya nagkatampuhan ang mag-ina kaya hindi ito nakasama sa Balesin Island?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield