Cristine Reyes, Erich Gonzales at Enchong Dee, kapwa in love

ADVERTISING

Cristine Reyes, Erich Gonzales at Enchong Dee, kapwa in love

Enchong-Dee-Cristine-Reyes-Erich-GonzalesTATLONG KUWENTO ng pag-ibig ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz. Una, nakahanap na nga ba si Cristine Reyes ng kanyang bagong inspirasyon? Last week, her sister Ara Mina posted a photo on her Instagram account. Sinasabing ang lalaking katabi ni Cristine sa larawan ang siyang nagpapasaya ngayon sa aktres.

Cristine admitted during the presscon of her new movie The Trophy Wife na nagkakamabutihan nga sila ng nasabing lalaki who is half-Persian/half-Filipino. “Wala pang title. Ayokong sabihin na boyfriend ko siya, kasi right now [we’re] exclusively dating. Iba siya sa lahat. I guess he has a lot of wisdom and maraming bagay na natututunan ako sa kanya kasi he’s out of the business.”

She already met some of the guy’s family members. The Buzz asked her if she’s in love. “Dating pa lang, pero oo,” ang sagot ni Cristine.

Pangalawa, Erich Gonzales is now open to the public about her three-year relationship. Ipinakita na rin niya sa wakas ang litrato ng kanyang businessman boyfriend sa Instagram. Ilang taon din naging palaisipan sa publiko kung sino at kung ano ang itsura ng kanyang non-showbiz boyfriend.

ADVERTISING

Kuwento ni Erich, “That day, na-feel ko lang iyong happiness ko. Pinost ko na kasama ko iyong kapatid ko, iyong mga friends ko, tapos siya. Tapos hindi niya alam, pinuslit ko! Pero ngayon, alam na niya. Binabasa ko nga sa kanya iyong mga comments. Sabi niya, ‘Naku, sinasabi lang iyan para ma-feel good ako. Para mag-post pa siguro tayo. Last na iyan ha.’ Sabi ko, ‘pag-iisipan ko.’”

Pangatlo, Enchong Dee finally admitted that he is in a romantic relationship with a non-showbiz girl. “Wala pang isang taon. It just happened. It’s not planned. We saw each other, we talked, we shared numbers and then…”

Many were surprised with Enchong’s revelation. Sinabi ng aktor na nakilala na ng kanyang pamilya ang kanyang girlfriend. Naging bukas man si Enchong sa kanyang buhay pag-ibig ay gusto raw niyang maging private ang buhay ng kanyang girlfriend. “Iyon din ang kagandahan sa non-showbiz kasi unless you tell people, no one will find out. I’m happy. I want her life to be private. I want her life to be away from all the buzz.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING