Cristine Reyes, ‘di inilalaglag ni Rayver Cruz

ADVERTISING

Cristine Reyes, ‘di inilalaglag ni Rayver Cruz

Cristine Reyes, ‘di inilalaglag ni Rayver CruzNAPAKASUWERTE TALAGA ni Cristine Reyes sa mga panahong ito, dahil kahit ang dami-daming tao sa loob at labas ng showbiz na hindi natutuwa sa kanya, hindi siya inilalaglag ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz. Kahit pa anong masasamang salita nga-yon ang ipukol mo sa sister ni Ara Mina, nagsisilbing tagapagtanggol ng sexy actress si Rayver, kaya nga ang tingin ng marami sa matangkad na actor ay isang dakilang kasintahan.

ADVERTISING

Nitong nagdaang summer, habang kontro-bersiyal na pinag-uusapan ang alitang namagitan kina Ara at Cristine, nawawala sa eksena si Rayver dahil mayroon siyang show sa ibang bansa. Kumalat na noon ang balitang nagkakalabuan na silang dalawa at tila patungo na nga sa hiwalayan. Nang makabalik si Rayver sa Pilipinas, nanahimik pa rin siya sa maraming isyu na dapat daw niyang sagutin. Katulad ng dati, nag-isip muna siya nang matagal bago piniling magsalita.

Panalo pa rin si Cristine. Hindi totoo ang tsismis noon na tinabangan na sa kanya si Rayver dahil sa kanyang pagiging palaaway, na pati ang kapatid na si Ara ay nilalapastangan.

“Kung anuman ang isyu nila ng kanyang ate, walang kinalaman iyon sa mga naging problema namin dati. Oo, nagkaroon kami ng problema, at normal lang naman iyon. Pero bago naman ako umalis, inayos muna namin ang aming tampuhan.  Nagkabati kami, kaya nu’ng bumalik ako, kami pa rin talaga at walang hiwalayang nangyari,” pagkaklaro ni Rayver.

ADVERTISING

 

PARANG MAGANDANG tanawin kung mangyayari na magkakaharap, magkakausap at magkakaayos na ang da-ting magkarelasyong sina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Hanggang ngayon kasi, si Melissa pa rin ‘yung tipong hindi natutuwa na mapag-usapan ang kanyang ex-boyfriend. Habang si Jake naman, laging positibo ang mga sinasabi, na umaasa siyang pagdating ng panahon, magiging maayos din ang lahat, kung siya man ay mayroong nagawang kasalanan sa young actress.

Masaya na kasi ngayon ang lovelife ni Melissa, dahil nariyan nga si Paul Jake Castillo na kinagigiliwan ng marami, dahil guwapong kisig-Pinoy raw, simple at napakabait. Hindi maligoy na kausap si Paul Jake, dahil ipinagmamalaki niya talaga ang kanyang pagmamahal kay Melissa. Kabaligtaran naman kay Jake Cuenca, na parang wala pang katiyakan ang lovelife sa ngayon kahit pa kung sinu-sinong mga babae ang iniuugnay sa kanya.

Cristine Reyes, ‘di inilalaglag ni Rayver Cruz

Nanggaling na rin sa bibig mismo ni Jake, na kung papasok na siya sa isang bagong relasyon, paninindigan na niya iyon. Dati raw kasi, iniisip niya na parang ang kanyang mga pakikipagrelasyon ay hindi magtatagal. Ang gusto na raw niya sa ngayon ay relasyong pangmatagalan. Nakakakaba tuloy, na baka kaya hanggang ngayon ay imbiyerna pa rin sa kanya si Melissa ay dahil hindi niya dati napanindigan ang katapatan niya sa mabait na aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING