Cristine Reyes, demoted to afternoon TV slot?

ADVERTISING

Cristine Reyes, demoted to afternoon TV slot?

Cristine Reyes, demoted to afternoon TV slot?

PANIGURADONG MAGBABAGA NA naman ang mga hapon ng Kapamilya viewers ngayon dahil balik-teleserye ang sexy/drama actress na si Cristine Reyes sa Reputasyon.

Simula ngayong Lunes, mapapanood na muli ang kontrobersiyal na utol ni Ara Mina. Katambal naman ni Cristine sa palabas ang real-life boyfriend niya na si Rayver Cruz at ang kanyang leading man sa Eva Fonda na si Jason Abalos.

Gagampanan ng dalaga ang papel na Agnes delos Santos, isang baguhang guro na galing sa marangal na pamilya. Maakusahan ito bi-lang kabit ng isang Mayor na namatay.

ADVERTISING

Ngayon pa lang ay marami nang fans ang nagre-request na ilipat sa panggabing time slot ang Reputasyon. Pakiramdam ng ilan ay tila ‘demoted’ bigla si Cristine from Primetime to Siesta Time. At least solong-solo niya ang Kapamilya Gold slot, ‘noh!

 

TAMBALANG PAULO AVELINO AT ROCCO NACINO, INAABANGAN NA NG MGA BADING!

Marami na ang interesadong mapanood ang Cinemalaya 2011 entry na ‘Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa’ ni Alvin Yapan dahil sa pinakahuling trailer na inilabas ng producer.

Sa mga una nilang teaser trailers ay maiisip ng iba na sina Jean Garcia at Paulo Avelino ang may May-December love affair sa nasabing pelikula. Sa kalauna’y nalaman na ng mga moviegoers na ang dalawang Kapuso actors na pawang mga Starstruck graduates ang may matinding love angle sa nasabing pelikula.

Ito ang unang pelikula ng dalawa bilang bida sa pelikula. Malabo na ma-isyu ang dalawa dahil alam ng lahat na masaya si Paulo sa piling ni LJ Reyes at ng kanilang anak habang si Rocco naman ay palaging naiispatang ka-date si Sheena Halili.

 

ENRIQUE GIL, BAGONG KA-LOVETEAM NI KATHRYN BERNARDO!

Tuluyan na ngang tinanggal sa cast ng upco-ming Star Cinema movie si Albie Casiño. Kahit pa hindi aminin ng Kapamilya Network, pinaghihinalaan na ang hidwaan sa pagitan nina Albie at ng pregnant ex-girlfriend niya na si Andi Eigenmann ang sanhi ng biglaang pagtanggal sa kanya sa pelikula.

Ang Good Vibes star na si Enrique Gil ang pumalit sa papel na iniwan ni Albie. Ibig sabihin nito, si Kathryn Bernardo na ang bagong babae sa buhay ng teen actor. Ang Good Vibes star din na si Sam Concepcion ang pumalit sa namayapang AJ Perez bilang ka-loveteam naman ni Julia Montes.

Wala pang titulo ang nasabing family/drama movie, pero kuwento raw ito ng magkapatid na nagdadalaga. Mukhang good vibes kina Mara at Clara ang mga bagong katambal, huh?!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING