Cristine Reyes, dala-dalawa ang pelikula bago matapos ang taon!

ADVERTISING

Cristine Reyes, dala-dalawa ang pelikula bago matapos ang taon!

Cristine Reyes, dala-dalawa ang pelikula bago matapos ang taon!
Cristine Reyes with daughter Amarah Khatibi

CRISTINE REYES is back in the movies! Siguradong excited na ang mga fans ng sexy actress turned hands-on mom to Baby Amarah and wife to Ali Khatibi.

ADVERTISING

Sa telebisyon ay pinatunayan ni Cristine na may ibubuga pa rin siya thru the success of the afternoon series ‘Tubig ang Langis’, kung saan laging trending ang catfights nila nina Isabelle Daza at Dionne Monsanto. Bankable pa rin ang tambalan nila ni Zanjoe Marudo sa nasabing palabas kahit pa mas matured na ang roles nila sa serye.

This time naman ay sa big screen nagbabalik ang magandang aktres. Unang ipapalabas ang heartwarming family movie na ‘Seven Sundays’, kung saan siya ang nag-iisang ‘rose among the torns’ sa magkakapatid played by Aga Muhlach, Dingdong Dantes and Enrique Gil. Ang gaganap na ama nila sa movie ay si Ronaldo Valdez at base sa trailer, light ang approach nito pero sure na paiiyakin din tayo sa huli. Ayos na change ito sa sunod-sunod na loveteam-driven films na ipinalabas the past months. Ipapalabas na ito sa October 11 under the direction of Cathy Garcia-Molina.

ADVERTISING

Next naman ay sa horror genre naman magpapakitang-gilas si Cristine via ‘Spirit of the Glass 2’. Kasama niya sa sequel ng Jose Javier Reyes original sina Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Ashley Ortega, Maxine Medina and Janine Gutierrez. Sakto naman para sa November 1 ang planned release nito.


With her new two movies, obvious na lumalayo na ito sa sexy projects na kadalasang ginagawa niya noon. Habang hindi pa ito gumagawa ng regular teleserye, busy si AA (palayaw ni Cristine) sa pag-alaga sa kanyang baby girl na super aliw ang mga videos sa Instagram. Isa na rin budding entrepreneur si Cristine. Makikita at mabibili ninyo ang Khatibi’s Home products sa official website nila na http://www.khatibishome.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING