Cristine Reyes, bukod sa ayaw nang magpa-sexy, wala na rin daw torrid kissing scene

ADVERTISING

Cristine Reyes, bukod sa ayaw nang magpa-sexy, wala na rin daw torrid kissing scene

Cristine-ReyesMULING IGINIIT ni Cristine Reyes sa presscon ng The Gifted na iiwas na talaga siya sa pagpapaseksi sa telebisyon at pelikula. Hindi na rin daw siya makikipag-torrid kissing scene.

Wow, pati pala ang lips niya ay kasama sa bagong restrictions ni Cristine sa kanyang career, huh!

Sa The Gifted ay nagpaseksi pa rin si Crstine at aniya, last na raw ito.

“Napagod siguro ako kaya pahinga muna sa ganu’n,” matipid niyang reaksyon.

ADVERTISING

Samantala, excited na rin si Christine sa magiging pamangkin niya kay Ara Mina na ngayon ay limang buwan nang buntis.

“Sobrang excited na akong makita ang baby girl ni Ate. Four months na lang manganganak na siya,” dagdag pa ng aktres.

Kasama nga pala ni Cristine sa The Gifted sina Sam Milby at Anne Curtis.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING