Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, magkaiba ng paraan para laban ang pressure sa teleserye

ADVERTISING

Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, magkaiba ng paraan para laban ang pressure sa teleserye

Cristine Reyes At Zanjoe Marudo
Cristine Reyes At Zanjoe Marudo

Sa pagtatapos sa ere ng Tubig at Langis na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Isabelle Daza ay natanong ang lead star kung may pressure sa kanila dahil sa kanila naka-focus ang story ng teleserye.

“May pressure. Siguro hindi namin iniisip ‘yung pressure. Ako, hindi, eh. Mas iniisip ko kung paano ko gagawin ang trabaho ko nang mabuti at maayos at maipe-present ko ‘yung character kung ano ang gusto ng direkctor at writer at ng viewers. Kung nasa tamang timpla ka lahat, I don’t think mapre-pressure ka naman,” say ni Cristine.

Kay Zanjoe, may pressure.

“Ako kasi, every time na meron akong project at lead ako ay nape-pressure ako. Pero, dahil medyo naiba ito dahil si AA (Cristine) ang nakasama ko at nagkatrabaho na kami dati, maganda ang samahan naming dalawa at hindi lang ito isa o dalawang beses na nagkasama… Hindi naman dahil sa lead ka talaga, eh, kaya ka mapi-pressure. Makikita ‘yon, mararamdaman ‘yon ng mga kasama mo. Kung meron ka namang kasama na mahuhusay na mga artista, hindi siya magwo-work kung bida lang ang gagalaw,” say ni Zanjoe.

ADVERTISING

“Gawin mo lang ang trabaho mo. Gawin mo lang kung ano ang pinagagawa sa ‘yo. Hindi naman kailangang bitbitin mo lahat dahil nandiyan ang director. Tulung-tulong kayo dapat lahat,” dagdag pa ng hunk actor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING