Cristine Reyes at Rayver Cruz, 2 – buwan nang mag-dyowa?!

ADVERTISING

Cristine Reyes at Rayver Cruz, 2 - buwan nang mag-dyowa?!

Cristine Reyes at Rayver Cruz, 2 - buwan nang mag-dyowa?!NAHULI NGA NG camera ng E-Live kung gaano ka-sweet ang napapabalitang mag-dyowa na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes sa set ng kanilang teleseryeng Martha Cecilia’s Kristine habang naka-break ang dalawa at bago ma-interview ng reporter ng show.

ADVERTISING

Pero idine-deny pa rin nilang may namamagitan na sa kanilang dalawa. Good friends pa rin ang press release nila hanggang ngayon, kahit kulang na lang ay langgamin sila sa kanilang ka-sweet-an.

Pero ang totoo raw, ayon sa aming source, dalawang buwan nang may special relationship sina Rayver at Cristine bilang mag-boyfriend-girlfriend. Why not? Bagay naman sila, ‘di ba? Kaya lang, paano na si Zanjoe Marudo?

GAYA NG UNA naming naisulat dito, it’s out in the open now na kasalukuyan nang nagdi-date sina President Noynoy Aquino at ang kanyang fashion stylist na si Liz Uy, lalo na kung may oras daw sila. Ang napabalitang kasal lang nila on October 11 next year ang wala pang kumpirmasyon. But knowing the youngest sister of P-Noy na si Kris Aquino, ayon sa sumulat ng rumored wedding ng Pangulo at stylist nito, tatawag daw ito sa cellphone ng author kung walang katotohanan ang lumabas na balita. Eh, hindi naman daw nagparamdam ang TV host/actress as of this writing sa kapatid namin sa panulat matapos lumabas sa diyaryo at sa TV ang nasabing balita.

ADVERTISING

Nabalitaan din naming may mga nakakakita umano kina P-Noy at Liz sa ilang bars. Nagugulat na lang daw ‘yung ibang mga tao sa loob ng bars, dahil paglingon nila sa kanilang likuran, bigla na lang nilang makikita ang dalawa na magkasama. Talaga?

Hayagan naman ang pagka-gusto ng Queen of All Media na makatuluyan nga ng kanyang kuya si Liz.

Pero gaano rin katotoo na kinausap umano ni Kris ang manliligaw noon ng celebrity fashion stylist bago pa tuluyang manligaw si P-Noy sa huli para sabihin na, “I like Liz for my brother.”, na ang parang ibig sabihin daw ay huwag nang ituloy pa ng naturang binata ang panliligaw sa dalaga?

HOW TRUE KAYA na may natanggap raw si Kim Chiu na pictures nina Gerald Anderson at Bea Alonzo together nu’ng hu-ling nagkasama ang dalawa sa Amerika thru e-mail nu’ng medyo nagkakalabuan na ang una at ang young actor na nanalo sa Star Awards for TV 2010 for Best Single Performance by an Actor?

MAY MANALO NA kaya ng tumataginting na PhP456 million sa 6/55 grand lotto jackpot tonight?

Aba, hindi lang pala mga ordinaryong tao, tulad natin, ang tumataya o nagbabakasakaling manalo sa lotto, kundi pati ilang artista at may mga kaya rin sa buhay.

Ang sikat na fashion designer na si Paul Cabral at mommy nito ay tumataya rin sa lotto. Gaya ni Paul, hindi rin nahihiya na magbaka-sakaling suwertehin sa lotto ang star ng Imortal na si Angel Locsin!

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! over at DWIZ 882 Khz on AM band, Mondays to Fridays, from 11 AM to 12 NN, with Ogie Diaz, Friend Rommel Placente and Ms. F a.k.a. Fernan de Guzman. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING