Cristine Reyes, ang dami pang satsat, aamin din palang buntis

Cristine Reyes, ang dami pang satsat, aamin din palang buntis

Cristine-ReyesEWAN KO kay Cristine Reyes kung bakit ang dami pa niyang satsat ngayong inamin din namn niya na buntis siya.

Naalala ko pa noon na nagmaldita siya sa premier night ng kanyang pelikula na nang uriratin siya ng press sa napapabalitang pagbubuntis niya, hindi niya sinagot. Nag-walk-out siya, na tuloy lalong umigting ang usap-usapan na may nagdadalan-tao sa showbiz.

Marunong mag-market si Cristine sa sarili.Alam niya kung papaan ibibitin ang media na alam naman niya, takaw na takaw sa kumpirmasyon niya sa pagdadalan-taon niya noon.

‘Di hamak na simple, excited at tanggap ng kapatid niyang si Ara Mina ang pagbubuntis nito na walang drama.

Tutal, sila naman ni Mayor Patrick Meneses ang magkarelasyon, bakit pa nga ba niya ililihim sa publiko lalo na sa media, dahil ang mga ito ay suportado siya, ‘di tulad ng kapatid niya na matapos ang drama at wala nang magawa para itago pa ay inamin na rin ang paglobo ng kanyang tiyan last Sunday sa ASAP.

Ngayong aminado na si Cristine, what’s next? Ang alam ko, namaalam na siya sa kanyang trono bilang Sex Goddess ng Philippine Showbiz na hudyat ng panimula ng bago niyang mundo bilang isang expectant mother.

Pero happy ako kay Ara who is excited sa kanyang panganganak come December ng kanyang kauna-unahang baby girl. Sa katunayan, proud si Ara na ipagmalaki sa mundo ang kanyang sitwasyon ngayon. At bilang ate ni Cristine, may private message siya sa Instagram account namin saying na masaya siya sa kapatid niya. “I love my sister so much” na alam mo namang may effort si Ate na intindihin ang nakababatang kapatid sa kabila ng pambabastos nito sa kanya noon.

D’yan kami bilib kay Ara. Sa totoo lang, between Ara and Cristine, mas maiintindihan namin si Ara kumpara kay Cristine. Kung simpatiya rin lang naman, doon na kami kay Ara kaysa sa “always” na nagmamaldita na si Cristine na ang pagpi-PR sa press ay seasonal, kung may project lang naman siya.

Reyted K
By RK VillaCorta