Cristine Reyes at Ali Khatibi, nakaplano na ang civil wedding ngayong January

ADVERTISING

Cristine Reyes at Ali Khatibi, nakaplano na ang civil wedding ngayong January

Cristine-Reyes-Ali-KhatibiNgayong January 2016 ang balak na civil wedding nina Cristine Reyes at ng boyfriend niyang si Ali Khatibi. Ang pastor, witnesses, at silang dalawa lang daw ang present sa civil wedding.

ADVERTISING

Dinisclose ni Cristine kung saang lugar gagawin ang civil wedding. Pinaplano na rin daw nila ni Ali ang bonggang church wedding, pero mukhang hindi pa sure si Cristine kung this year ito gagawin.

Isa si Cristine sa mga bida sa trilogy movie ng Viva Films titled “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Ayon sa isa sa mga director ng pelikula, malaki na raw ang pinagbago ng ugali ni Cristine Reyes towards work.

Professional na raw itong katrabaho ngayon unlike before na medyo mahirap ka-deal at parang walang tiyaga sa work. Ayon kay Cristine, malaking factor ang pagiging ina niya sa panganay na si Amara para magbago ang outlook sa buhay.

ADVERTISING

“’Pag nanay ka pala, naiiba lahat pati ang tingin mo sa buhay. Lahat gagawi mo para mabigyan ng magandang buhay ang anak mo,” katwiran ng aktres.

Kasama rin nga pala sa “Lumayo Ka Nga Sa Akin” sina Maricel Soriano, Candy Pangilinan, Benjie Paras, at marami pang iba na may kanya-kanya ring episode sa movie.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING