Cristine Reyes, ‘di raw siya ang dahilan ng hiwalayang Sarah at Rayver!

ADVERTISING

Cristine Reyes, ‘di raw siya ang dahilan ng hiwalayang Sarah at Rayver!Cristine Reyes, ‘di raw siya ang dahilan ng hiwalayang Sarah at Rayver!NAKIUSAP SI PIOLO Pascual sa lahat. “Hindi pa po ako patay, buhay na buhay pa po ako,” pahayag ni Piolo matapos mapabalitang namatay siya kamakailan.

Ayon kay Piolo hindi lang isang beses na napabalitang namatay siya. “Hindi ako apektado sa isyung ito, kaya lang ‘yung mga family ko, talagang affected. Lahat sila nagtatanong sa akin.”

Wala naman daw balak magdemanda si Piolo sa kung sino man ang nagpapakalat ng balitang siya ay patay na. Pero sana naman daw ay magkaroon ng konting respeto. “Respetuhan lang naman iyan, ‘di ba?”

NAKASUSUKA NAMAN ANG title ng unang solo project ni Empress Schuck na Rosalka. Ewan na hindi ko maintindihan ang dating sa amin. Parang bulaklak na nakakatawa.

Rosalka – titulo pa lang, nakakatawa na para bang hindi mo seseryosohing panoorin. Para bang magsasayang ka lang ng oras sa harap ng telebisyon.
Hay, naku! Sino kaya ang nakaisip ng titulong Rosalka? Ha-ha-ha! Nakakatawa talaga. Sa totoo lang, baka sa Rosalka na ito, lalong hindi makilala si Empress Schuck. Ha-ha-ha!

ADVERTISING

TINOTOO NI WILLIE Revillame na hindi niya sisiputin ang programang Wowowee kapag hindi tinanggal si Jobert Sucaldito sa programa nito sa radio. Kaya hayun, hindi nga sumipot ang komedyante sa sariling programa sa Dos. Bagay na ipinagtaas ng kilay ng lahat.

Teka at isa pang teka. Alam kaya ni Willie na hindi si Jobert ang kinalaban niya, kundi ang channel 2 mismo na para bang “sinusubok” niya power ng mga boss ng Dos?

Nagalit si Willie kay Jobert dahil nagbibigay-komento ang writer/columnist sa kanya. Teka at isa pang teka. wala na ba ngayong freedom of speech?

Hindi namin kinakampihan si Jobert. Pero sa pananaw namin sa ginawa ni Willie sa sariling programa, hindi kaya dapat nang kausapin ng Dos ang komedyanteng aktor na kung may galit siya kay Jobert ay huwag niyang idamay ang kumpanya na siyang tunay na dahilan kung bakit kumakamal siya ngayon ng pera?

Tanong nga sa amin ng mga taong nakakasalubong namin: “Totoo bang mayabang talaga si Willie?

MARIING ITINANGGI NI Cristine Reyes na siya ang tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Rayver Cruz at Sarah Geronimo. Ayon sa sexy actress, never daw na nanligaw sa kanya si Rayver. Pero hindi niya itinangging kung minsan, nakakasama niya sa lakaran ang aktor.

Samantala, ayaw namang magbigay ng komento ang ina ni Sarah kaugnay sa diumano ay panduduro ng ama ni Sarah kay Rayver sa backstage ng ASAP XV ilang linggo na ngayon ang nakararaan.
Iwas sa pagbibigay-komento si Mommy Divine dahil takot itong magkamali sa anumang sasabihin.

“One year silang nagkaroon ng relasyon at hindi matanggap ni mommy na naisahan siya ni Sarah,” sey iyon ng aming source na malapit kay Rayver na nagsabi pa ring kahit pilit na pinaglalayo sina Sarah at Rayver, nakagagawa pa rin ang dalawang bagets na paraan para magkaroon ng communication. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING