Criselda Volks, inirarampa sa mall ang jowang tibo?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Criselda Volks, inirarampa sa mall ang jowang tibo?! - Tita Swarding

Criselda Volks, inirarampa sa mall ang jowang tibo?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Naku, mga kafatid, super-kilala itong sikat na broadcaster na ito. Minsan nga ay lumabas na rin ito sa ilang pelikula. Sikat ito, at mula nang tumuntong siya sa mundo ng telebisyon noon, hanggang ngayon, parati itong makikita at hindi nawalala sa sirkulasyon sa telebisyon, radyo at pati sa diyaryo na rin.

ADVERTISING

Ang nakakaloka at ikinabigla ng lahat, sumabak pala sa pulitika ang lolo mo! Heller! Hindi lang isang beses na pinasok nito ang pulitika, pero talo ito parati. Hahaha! Ooops! Maraming broadcaster ang tumatakbo ngayon. Hmmm…

Ang nakakaloka lang nito, pati sa National Press Club ay tumakbo itong si sikat na broadcaster noon, ngunit talo rin.

Paano pa kaya ito ngayong humataw na naman ito sa pagtakbo ulit? Hmmm…. Naku, ha?! National pa naman ang tinatakbuhan ng hitad na lolo mo. ‘Yun na! Hindi na kailangan ng clue, dahil knows n’yo na ito. Ayaw na ayaw ng mga angels ko ng ganyan. ‘Yun na!

ADVERTISING

ANO NAMAN ITONG nakita ng aking parazzi girl?! Huling-huli ng dalawang mata nito ang sexy actress na si Criselda Volks. Trulily, mga kafatid!

Sa isang kilalang supermall sa bansa, nakita itong si Criselda Volks na may bagong jowa. Ngunit ang nakakaloka lang nito ay isang Don Tiburcio! Yes, isang tibo ang jowa ng lola mo!

Walang keber si Criselda habang tinitingnan ito ng mga tao sa isang mall na napak-sweet habang siya umano ang umaakbay sa jowa niya umanong tibo.

According naman sa isa ko pang parazzi girl, madatung daw itong si tibo na kinakasama umano ng Criselda ngayon. Ito raw ang bumubuhay sa kanya ngayon. Kaloka, ha?!

Pero malaki raw ang ipinagbago ngayon ni Criselda, dahil iba na raw ang kutis nito ngayon. Mukhang natutuyuan na! Hahaha! May ganu’n ba?

Mukhang wala raw sustansiya ngayon si Criselda. Ito raw ang ikinalerke ng aking parazzi girl nang makita ito. Dahil nga mismong si Criselda pa ang umakbay sa Don Tiburcio habang namimili ng eyeglasses. Naku, ha?! Ayaw na ayaw ni Cris Villanueva ng ganyan. Hahaha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING