Cousins Sid Lucero and Andi Eigenmann, in the center of intrigues

ADVERTISING

Cousins Sid Lucero and Andi Eigenmann, in the center of intrigues

Cousins Sid Lucero and Andi Eigenmann, in the center of intriguesSI SID LUCERO mismo ang nagsabi sa Pinoy Parazzi na hindi siya magbibigay-komento dahil una at higit sa lahat ay pinagbawalan na raw siya ng kanyang abogado na magsalita dahil ang mga taong nagreklamo sa kanya ay nagsampa na ng kaso laban sa kanya.

ADVERTISING

“Kung ako talaga ang masusunod, ayoko ng gulo. Kasi alam n’yo naman na tahimik akong tao. Ako hindi ako magdedemanda pero kung anuman ang reklamo nila laban sa akin, sasagutin ko na lang,” tuluy-tuloy na panimula ni Sid nang huling makausap namin.

Iniiwasan na raw talaga ni Sid na humarap ngayon sa kamera dahil nasa hot seat ang mga Eigenmann. “Bukod kasi sa akin, issue rin ngayon ang pinsan kong si Andi, ‘di ba? Kaya sabi ko nga, bakit kami? Kung sa bagay, sanay na naman ang family namin sa ganitong intriga, actually mas malala pa noong time nina Tita Cherry. Pero sa totoo lang kahit showbiz-oriented kami, nasasaktan pa rin ako, lalo na sa side ko dahil hindi naman ako mahilig sa intriga. Gusto ko lang talagang umarte. Passion ko lang talaga ang umarte sa harap ng kamera.”

Pakiusap ni Sid, “Sana maintindihan ako ng mga kaibigan nating reporter kung hindi man ako magsalita. Sana maramdaman na lang nila kung ano ‘yung napi-feel ko sa ngayon. Handa kong sagutin lahat ng mga akusasyon nila sa akin, pero sana matapos na ang issue na ito dahil ayoko talagang nakakasakit ng aking kapwa,” pagdidiin pa ng aming kausap.

ADVERTISING

 

NAKAUSAP NAMIN SI Rosanna Roces matapos na siya ay tanghaling Best Supporting Actress sa nakaraang Gawad Urian, Ayon kay Osang, matagal-tagal na rin siyang hindi nakahawak ng acting trophy. “Ac-tually, iilan lang naman ang awards ko, mabibilang lang talaga. Pero lahat ng acting award ko, galing talaga sa mga award-giving bodies na mataas ang kredibilidad.”

Ayon pa kay Osang, ang pagka-panalo niya sa nakaraang Gawad Urian ay bunga ng kanyang pagsisikap. “Ngayon, ‘Day, wala na akong pakialam sa mga intriga. Mas gusto kong magtrabaho na lang at tapos na ako sa mga panahong kung sinu-sino ang mga nakakaaway ko. Wala akong mapapala roon.”

Kaugnay naman ng lovelife, sinabi ni Osang na may nagpapasaya sa kanya. Isang guwapo at mapagmahal na lalaki ang apple of the eye niya ngayon. “P..a ka, Morly, iba itong boyfriend ko ngayon. Hindi tulad sa mga nakilala mo na after kong mahalin at paniwalaan ay ang dami-dami pang itinatago sa akin.”

Isa lang daw ang masasabi ni Osang sa Pinoy Parazzi, hinding-hindi na raw siya iiyak nang dahil sa pag-ibig. “Diyos ko, Morly, itong edad kong ito iiyak pa ba ako sa lovelife ko. Parang hindi naman yata tama. Hahaha!”

Inamin ni Osang na hiwalay na ang anak niyang si Grace sa Arabyano nitong asawa na si Phil. “Basta sa pagkakaalam ko, wala na sila. Pero ang mahalaga rito, kahit wala na sila, na kay Grace ang apo ko at kasama namin ngayon sa bahay.”

 

ISA SA MGA masarap kausap sa grupo ng Bagets ng TV5 ay si AJ Muhlach, ang half-brother ni Aga Muhlach. “Actually, nu’ng malaman kong bagets ang first project ko, mixed emotion ang naramdaman ko dahil dito sumikat ang kuya ko na si Aga Muhlach,” sabi sa amin ni AJ.

Ayon pa sa binata, malaking dahilan kung bakit napapansin siya ngayon ay dahil sa kanyang kuya na si Aga. “Naa-amazed sila kung sino ako, kasi kapatid nga ako ni Aga, at very thankful ako sa kuya ko, dahil sinusuportahan niya ang pagpasok ko sa showbiz.”

Samantala, isa pa sa lumulutang sa grupo ng Bagets ay si Eula Caballero, ang big winner ng Star Factor ng Singko. Dati kasi ay neneng-nene ang dalaga, ngayon ay nag-matured na, hindi lang ang kanyang maamong mukha kundi pati na ang kanyang pananamit at kilos.

“Masayang-masaya ako, Tito Morly, dahil napapansin na ako unti-unti ng mga tao,” sabi sa amin ni Eula.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING