COUPLE PIX DELETED: Derek Ramsay at Andrea Torres, hiwalay na?

ADVERTISING

HIWALAY NA ba ang hot couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres o AnDrek?

‘Yan ang tanong ng ilang fans nang mapansin nila na deleted na ang mga sweet couple pictures ng dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts. Napansin din ng ilan na two months ago pa ang huling video blog update ng dalawa sa kanilang joint channel na ‘AnDrek Vlogs’. What is happening?

ADVERTISING
COUPLE PIX DELETED: Derek Ramsay at Andrea Torres, hiwalay na?
Derek Ramsay and Andrea Torres (AnDrek)

Nang usisain pa namin lalo, napansin namin na naka-follow pa rin si Derek kay Andrea sa Instagram. On the other hand, naka-unfollow na si Andrea kay Derek. Kaloka!

Ano kaya ang ganap sa pagitan ng dalawa? Napansin din na naging quiet ang dalawa kamakailan. Anyare?! Derek? Andrea?! Hello?!?

Unang nagkakilala sina Derek Ramsay at Andrea Torres nang gawin nila ang primetime drama series ng Kapuso Network na ‘The Better Woman’. Ito ang unang proyekto ni Derek sa GMA-7 at nagkaroon kaagad ng koneksyon ang dalawa onscreen and offscreen. Parehong hot ba naman ang pagsamahin mo kasi, ‘di ba?!

ADVERTISING

Bago natapos ang programa ay inamin ng dalawa na nauwi sa totohanan ang kanilang onscreen hot romance. Dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa, naging laman lagi ng kanilang social media updates ang isa’t isa. Maging ang kanilang family ay vocal sa pag sang-ayon sa kanilang relasyon.

COUPLE PIX DELETED: Derek Ramsay at Andrea Torres, hiwalay na?
Andrea Torres and Derek Ramsay

Sa katunayan, may joint YouTube channel ang dalawa at may business din silang inumpisahan noong kasagsagan ng pandemya. Bago naging ‘tahimik’ ang vlog channel ay nagbigay pa nga ng bonggang house tour si Derek. Ang akala ng marami, nagpapa-house tour na ito with Andrea featured on the video dahil balak na nito pakasalan ang nobya. What went wrong?

Sa paglamlam ng AnDrek presence, ano kaya ang ugat ng katahimikang ito? Nasanay na tayo sa ‘couple goals’ posts nila kaya hindi namin mapigilan mag-isip! Nakakaloka lang dahil may pag-delete ng pictures at pag-unfollow na naganap.

Derek and Andrea, nandito lang kami whenever you’re ready.

ADVERTISING