Couple Angelica Panganiban and Derek Ramsay, always at the center of intrigue!

ADVERTISING

 

 Couple Angelica Panganiban and Derek Ramsay, always at the center of intrigue!

ADVERTISING

 Couple Angelica Panganiban and Derek Ramsay, always at the center of intrigue!  ILANG BAGYO NA ang sumubok sa tibay ng relasyon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban but until now they are still together. They have been through a dizzying roller coaster ride that is not for the faint-hearted. Ngayon, the pair is on the spotlight again dahil sa balitang Derek is having a secret relationship with Erich Gonzales.

Siguro ay immune na si Angel sa mga sari-saring intrigang ibinato at patuloy na ibinabato sa kanilang dalawa kaya tuloy nasabi niya sa isang interview na hindi raw siya apektado sa mga naglalabasang balita tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang boyfriend kay Erich.

Malaki talaga ang kanyang tiwala kay Derek whom she has been together with for five years now. Kung may tao mang lubos na nakakakilala kay Derek maliban sa kanyang pamilya, ito ay walang iba kundi si Angel.

ADVERTISING

Derek grew up in the company of girls, his sisters, that’s why there are people who misinterpret his actions towards women.

Sa kanyang interview with Showbiz News Ngayon (SNN), sinabi ni Angel na naniniwala siya kay Derek nang sabihin nito sa The Buzz na hindi totoo ang intriga tungkol sa kanilang dalawa ni Erich. “Masaya ako para sa mga tao na inaakalang nagkakaproblema kami. Alam ko natuwa sila roon sa nangyaring interview, dahil finally eh, naging malinaw sa kanila kung ano talaga iyong totoo,” sabi ni Angel.

Ipinagmamalaki naman niya na mas lalo raw tumitibay ang kani-lang relasyon ni Derek ngayon. “Mas kumportable lang kami at mas kaya na naming gumalaw dahil naging malinaw na sa tao kung bakit friendly siyang tao at accommodating siyang tao. Kasi ganoon siya lumaki. Tatlo sa mga kapatid niya [ay] babae, at sobrang lapit niya sa mommy niya. Alam niya kung paano niya asarin ang babae, alam niya kung paano maging kaibigan ang isang babae. So nasa tao na lang iyon kung bibigyan nila ng malisya ang nakikita nila.”

Nang tanungin kung bakit lagi silang naiipit ni Derek sa mga intriga, Angel answered, “Ewan ko nga. Siguro masaya akong sumagot ng intriga kaya nami-miss nila kapag wala akong sinasagot kaya ganoon.” Couple Angelica Panganiban and Derek Ramsay, always at the center of intrigue!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING