Cora Waddell, beautiful and sexy pero zero ang love life!

ADVERTISING

Cora Waddell, beautiful and sexy pero zero ang love life!

Cora Waddell, beautiful and sexy pero zero ang love life!
Cora Waddell

SA UNANG TINGIN pa lang, maganda na ang dating ni Cora Waddell na dating housemate sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother’s latest season.

ADVERTISING
 
 Charming ang beauty niya. Palaging may ready smile siya na reason kung bakit ang mga male entertainment photographers natin, halos lahat sila nagpakuha ng picture sa kanya sa media launch ng Regal Films latest comedy film na “Woke Up Like This” na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe at ipapalabas sa mga sinehan starting August 23.
 
Pansin ko lang na ang lakas ng presence ng dalaga sa mga kalalakihan.
Sa mga presscons na dinaluhan ko, never ko yata napansin na ang mga photographers ay nagkakandarapa na magpakuha ng picture. Kay Cora, nagkumahog na magpakuha ng selfie with her ang mga photogs na halatang giliw na giliw sa dalaga.
           
Hindi man nakapasok si Cora sa Top 4 sa PBB (kung saan si Maymay Entrata ang nagwagi), nakatulong ng malaki kay Cora ang exposure niya sa telebisyon
 

“I didn’t get an offer or contract from PBB or Star Magic” ayon sa messenger chat namin ni Cora this morning. Maingay kasi during the presscon last Friday kaya minabuti namin to interview her online.

 

Ikinuwento niya ang kanyang  buhay bago siya nakilala as Kuya’s housemate: “Before PBB. I was a full-time model po and I did some small acting roles but mostly modeling. I’m a professional model from the end of 2010 up until my entry in PBB October 2016.” kuwento niya sa aming chat.
 
Nang pumasok siya sa PBB ay modelo na siya ng Elite na siyang nagha-handle ng kanyang career.
 
Pumirma siya ng contract sa Regal making her the latest Regal Baby ni Mother Lily Monteverde.
 
Habang ka-chat ko siya kahapon, nagpa-umanhin si Cora dahil sa putol-putol niyang message sa amin.
 
Nasa bus kasi siya pauwing Bulacan kung saan doon nakatira ang Pinay mother at American father niya but she lives in Makati kapag nasa Metro Manila siya.
 
Dagdag ni Cora: “My little brother lives in Florida with his girlfriend and dog. My manager gets nervous when I take public transport but i still do it once in a while. That’s how it was for years here so it’s convenient for me to commute.”
 
Now that she’s doing films (dalawa na sabay niya ginawa) na ang modelling ay parang sideline na lang, she’s enjoying the experience.
 
In the film, she plays a friend of Lovi playing the role of Sabrina.
 
Kuwento ng dalaga sa kanyang karanasan sa pelikula at mga co-stars na sina Vhong at Lovi: “Very,very fun! At first, syempre i was intimidated to meet and work with them but they turned out to be very down to earth and welcoming of me.
Cora Waddell, beautiful and sexy pero zero ang love life!
Woke Up Like This cast members with Mother Lily Monteverde
“During the course of the shooting I would say we grew to be friends. If I ever saw them again after “Woke Up Like This” promotions, I would not hesitate to approach them because i know they would treat me as a friend. I was very lucky to have such helpful co-actors, they passed a lot of wisdom and advise to me,” pagse-share ni Cora.
 
Nang tanungin ko kung committed siya to guy ngayon, sabi niya: “No boyfriend for almost a year.”
 
Yes, hindi isinasara ng dalaga ang puso niya.
 
Aalamin namin ang dahilan kung bakit zero ang lovelife ni Cora soon dito sa Pinoy Parazzi. Who knows, baka ikaw na nangangarap might be the next boyfie ng dalaga? Aalamin namin ang qualities na hinahanap niya para sa inyo!
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING