Cool Cat Ash drops new song Loko!

Leo Bukas

OUT NA sa mga digital platforms simula January 15 ang latest single ni Ashley Aunor a.k.a. Cool Cat Ash na Loko!. The song is not the usual love song dahil nilikha ito para sa mga manloloko – babae man o lalaki – ng kanilang partners.

Ang Loko ay ini-release ng DNA Music (sub-label ng Star Music).

Cool Cat Ash drops new song Loko!
Cool Cat Ash

Kuwento ng singer-songwriter,  “Loko! is a hip-hop song about my fictional ex-boyfriend na nang-cheat sa akin. The song is written and fully produced by Aunorable Productions, ito po ang production duo namin ni Ate Marion.”

Patuloy ni Ashley, “For fun and all fiction lang naman yung lyrics ng song. Marami kasing manlolokong lalaki ngayon, hahaha!”

Pagkatapos ng digital release ay posibleng magkaroon din ng EP o Extended Play ang kanta. But for now, focus daw muna siya sa singles niya.

Nakilala si Cool Cat Ash sa first single niyang Mataba na tungkol sa body shaming na parang advocacy na rin niya on how to address people na plus-size. Ang kanta ay collaboration nila ng sister niyang si Marion. Nasundan ito ng kantang Diyosa ng Kaseksihan.

Bukod sa bagong kanta ay naglabas din ng dalawang covers si Ashley —  Iskul Bukol (Tito, Vic & Joey) at Bonggahan ni Sampaguita.

Nag-aral ng Music Production si Ashley sa Berklee College of Music sa Boston pero mas pinili niyang manatili sa Pilipinas para dito makilala katulad ni Marion at ng mommy niyang si Lala Aunor.