Controversial actress TV-host, in love sa may edad na businessman

ADVERTISING

BLIND ITEM: Hindi ako mahilig mag-blind item dahil madalas ay nababanggit ko pa rin ang pangalan. Pero itong kuwento ko ay iningatan ko talagang hindi ko mabanggit ang pangalan, dahil nangako ako sa source ko na hindi ko ikukuwento.

Kaya lang marami na ang nakapansin na mukhang in love itong kontrobersyal na actress-TV host.

ADVERTISING

Kinikilig siya kapag tungkol sa love ang pinag-uusapan at madalas daw ay nagpu-post ito sa Instagram account niya na merong nagpapadala ng bulaklak sa kanya.

Hindi niya binabanggit kung kanino galing, kasi padala pala ‘yun ng mayamang boyfriend niya.

Medyo matanda na raw itong boyfriend niya na hiwalay sa asawa.

ADVERTISING

Nagpaalam na raw si mayamang boyfriend ni controversial actress sa dating asawa na meron na siyang ibang girlfriend.

Sinabi niya kay former wife na baka magulat ito kapag mabalitaan niya ang tungkol sa relasyon nito kay controversial actress.

Siyempre nagulat talaga si former wife dahil hindi niya akalaing papatol si controversial sa isang lalaking malaki ang agwat sa kanyang edad.

Pero sila na nga raw, pero tahimik lang talaga sila at hindi sila nagpapakita sa publiko para hindi na mapag-usapan.

Mukha namang happy si controversial actress sa relasyon niya ngayon kay mayamang businessman.

 

By Lolit Solis

ADVERTISING