Conservative kasi: Boyfriend, hindi ma-take panoorin ang love scene ni Phoebe Walker kay AJ Muhlach sa ‘Double Barrel’

ADVERTISING

Conservative kasi: Boyfriend, hindi ma-take panoorin ang love scene ni Phoebe Walker kay AJ Muhlach sa ‘Double Barrel’

Conservative kasi: Boyfriend, hindi ma-take panoorin ang love scene ni Phoebe Walker kay AJ Muhlach sa ‘Double Barrel’
AJ Muhlach and Phoebe Walker

MAY NON-SHOWBIZ boyfriend ngayon si Phoebe Walker. Pero hindi raw nito panonoorin ang Double Barrel dahil may love scene ang dalaga sa lead actor ng movie na si AJ Muhlach.

“Hindi siya manonood ng movie. Ayaw niya,” kaswal na pahayag ni Phoebe.

Eh, bakit naman?

 “Ano kasi, senswal kasi yung ano, eh. Kahit nga yung Seklusyon, yung scene na sinikmuraan ako ni Dominic (Roque), ayaw niya non.

ADVERTISING

 “Conservative kasi yung family niya. First time din daw niya kasing magka-girlfriend na nagsu-showbiz. Eh, ako rin first time ko din naman tong mga opportunities na dumadating sa akin, so, sabi ko, parang ano lang, dahan-dahan lang.”

Hindi naman daw siya binibigyan ng limitasyon ng kasintahan.

“Hindi naman. Wala naman. Ang request lang niya is yung may itira daw ako for people’s imagination. Wag naman daw  po yung…

“Well, agree din naman ako kasi yon din naman yung ano ng parents ko sa akin na okey lang akong magpaseksi pero huwag mong ibigay lahat.

“Ayaw lang niya talaga na may ibang humahawak sa akin. Pero okey lang, naiintindihan naman niya yung trabaho ko, ayaw lang talaga niyang makita yung ganun,” rason pa ni Phoebe.

Palabas na ang Double Barrel: Sige Iputok Mo sa August 9. The movie is under the direction of Toto Natividad.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING