Cong. Martin Romualdez, aprub sa pagkastigo ng netizen sa anak ni Cristina Gonzales Romualdez

Cong. Martin Romualdez, aprub sa pagkastigo ng netizen sa anak ni Cristina Gonzales Romualdez

Cong. Martin Romualdez and Tacloban Mayor-Elect Cristina Gonzales-Romualdez
Cong. Martin Romualdez and Tacloban Mayor-Elect Cristina Gonzales-Romualdez

Sa isinulat namin tungkol sa hindi magandang attitude ng dalagang anak ni Kring Kring Gonzales last Friday na ngayon ay mas kilala as Tacloban Mayor-elect na si Cristina Gonzales-Romualdez, nang i-post namin sa social media account namin (Instagram) ang naturang kolum item ay nag-like si former Congressman Martin Romualdez na pinsan naman ng mister ni Kring Kring na si outgoing Tacloban Mayor Alfredo Romualdez.

I Just wonder kung ano ang ibig ipakahulugan ng pag-like ni Congressman Martin sa naturang IG posting namin.

Sa mga miron, ang interpretasyon nila marahil ay sang-ayon siya sa punto de vista namin na hindi magandang halimbawa ang dalagang anak ni Kring Kring na si Sofia sa mga kabataan na porke’t napaka-open ng social media sa opinyon ng lahat ay dapat itong tularan sa kabastusan at walang paggalang at pagtrato niya kay VP candidate na si Leni Robledo.

Ibig din marahil ipakahulugan ng pag-like ni Congressman Martin ay sang-ayon siya sa ginawang pagkastigo ng mga netizen sa kanyang pamangkin na tawag nga namin ay walang pinag-aralan, bastos, at balahural sa edad nitong 16 at aral pa man din sa International School.

When we saw Congressman Martin’s reaction sa posting namin at sa pag-like niya sa column item namin sa isyu, agad nag-DM (Direct Message) kami sa kanya to ask his opinion sa isyu at ang dahilan ng pag-like niya.

As of press time and finishing this column, halos dumaan na ang dalawang araw and we got no response from Mr. Romualdez.

Reyted K
By RK VillaCorta